Inspiring! Ulap na hugis puso, namataan ng isang netizen

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang namataang kakaibang hugis ng ulap habang lumulubog ang araw sa isang lugar sa Metro Manila
  • Ang namataan kasing ulap na ito ay hugis puso na nasa itaas pa ng papalubog na araw
  • Iba’t iba naman ang pagbibigay kahulugan ng mga netizen sa hugis pusong ulap na namataan

May pagkakataon ba na basta ka na lamang tumitingala at pinagmamasdan ang kalangitan? Ano-ano ang iyong naiisip sa tuwing pinagmamasdan ang mga bagay na nasa langit tulad ng mga ulap, ibon, o kaya naman ay eroplano?

Imahe mula DF Buzz

Magandang pagmasdan ang kalangitan lalo na sa pagtaas at paglubong ng haring araw dahil sa kakaibang view na nakikita. At kamakailan nga ay iba’t ibang larawan ng kalangitan ang nag-viral online dahil sa kakaiba at iba’t ibang kulay ng langit ang natanaw ng mga Pinoy.

Iba’t ibang kulay ng kalangitan, natanaw at nakuhanan ng litrato ng mga netizens

Kalimitan sa mayroong magandang tanawin sa langit ay ang paglubog ng araw dahil sa naghahalong kulay kahel at pula, dagdagan pa ng nakabibighaning cloud formation.

Sa paglubog ng araw natanaw ng isang netizen ang isang kakaibang hugis ng ulap na naghatid ng iba’t ibang reaksyon at kahulugan sa mga netizen. Ang litrato ng ulap ay ibinahagi niya sa Facebook.

Imahe mula DF Buzz

Hinihintay ni Glen Dela Cruz Mendigoria ang paglubog ng araw sa Malate, Manila nang kaniyang mamataan ang kakaibang hugis ng ulap. Ang ulap kasi na ito ay hindi tulad ng ibang ulap na mukhang mga bulak o di kaya ay unan. Ang ulap na ito ay hugis puso.

Ang litrato ng hugis puso na ulap ni Glen ay nagkaroon ng halos 35,000 reactions at 5.5k shares sa Facebook. Umani rin ito ng iba’t ibang reaksyon at pagpapakahulugan ng mga netizen.

Ani ng isang netizen, ito umano ang puso ni Hesus na nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa mga Pinoy lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

Imahe mula kay Glen Dela Cruz Mendigoria

May nakapagsabi naman na nangangahulugan ito na magmahalan ang bawat isa sa atin at iwasan na ang paninira sa isa’t isa. Habang may nagsabi naman na palatandaan na ito na malapit nang matapos ang krisis sa ating lipunan.

Ano pa man ang ibig sabihin ng hugis pusong ulap, ang mahalaga ay matuto tayong tumingala at magpasalamat sa araw-araw na ginawa ng Maykapal.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: