“Tubig Queen” Dodoy ng Cebu, nag-volunteer bilang shuttle service facilitator para sa mga frontliners

  • Nakilala si Jay Kummer “Dodoy” Teberio sa kuwento ng inspirasyong itinampok sa Istorya ng Pag-asa sa Cebu na inilunsad ng tanggapan ni Bise Presidente Leni Robredo
  • Narinig ni Dodoy ang tungkol sa proyekto ng bise presidente tungkol sa pagbibigay ng free shuttle service sa Cebu
  • Nag-volunteer si Dodoy bilang shuttle service facilitator bilang tulong sa mga kapwa niya Cebuano

Inilunsad ng tanggapan ni Bise Presidente Leni Robredo ang programang Istorya ng Pag-asa kung saan ay itinatampok ang mga kuwento ng mga Pinoy na magbibigay ng inspirasyon para sa nakararami.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Isa si Jay Kummer Teberio, o mas kilala sa tawag na Dodoy, mula sa Cebu, sa mga itinampok na kuwento sa isang episode ng Istorya ng Pag-asa. Napili ang kuwento ni Dodoy dahil sa kaniyang pagsisikap upang makaahon sa hirap.

Bago naging #IstoryangPagasa champ, unang nakilala si Dodoy bilang “Tubig Queen” dahil sa nakaaaliw nitong paraan ng pagbebenta ng tubig— suot ang makukulay na costume habang umiikot sa mga kalye ng Cebu.

Ayon sa Facebook post ni VP Leni Robredo, nang makita ni Dodoy ang anunsyo ng tanggapan ng bise presidente tungkol sa paglulunsad ng libreng shuttle service sa Cebu ay agad itong nag-volunteer bilang tulong sa mga kapuwa niya Cebuano.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Nagdala ng saya si Dodoy sa mga frontliners at health workers na sumasakay sa libreg shuttle service sa pagiging shuttle service facilitator nito.

Malaki umanong karangalan, ayon sa Office of the Vice President, ang makasama ang mga katulad ni Dodoy at iba pang mga volunteer sa kanilang inisyatibo para pagaanin ang hirap na dinadanas ng mga health workers at frontliners.

Mula sa pagtitinda ng tubig, isa na ngayong ganap na guro si Dodoy na nakapagtapos sa University of Cebu sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education noong 2017.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

“Ang kuwento ng pagsisikap ni Dodoy ay nagpapatotoo sa kasabihang habang may buhay, may pag-asa.

Wika pa ni Dodoy, ‘huwag mong tingnan ang kahirapan na isang hadlang para ikaw ay magtagumpay,'” ani sa post ng bise presidente.

Saludo kami sa mga Pinoy na katulad ni Dodoy na nais ding magbalik ng serbisyo para sa ating mga “modern heroes” sa panahon ngayon ng pandemya.


Loading...
Source :

Facebook, Youtube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: