Tingnan: Yakult-infused cake, mabibili sa isang local bakeshop sa Parañaque

  • Sa Parañaque-based bakeshop na Mélange PH matatagpuan ang yakult-infused flavor cake
  • Ayon sa kanilang Facebook Page, ang bakeshop ay kabubukas lamang noong nakaraang buwan ng Mayo
  • At bagama’t kauumpisa pa lamang, dahil sa kakaibang cake flavor na kanilang ginagawa ay na-feature na ang kanilang bakeshop sa mga international websites

“Simple & Unique Creations”

Imahe mula sa melange.ph via Facebook

Ito ang pangunahing tagline ng local bakeshop na Mélange PH na matatagpuan sa Parañaque City.

Kabubukas pa lamang ng bakeshop na ito noong nakaraang buwan ng Mayo sa kalagitnaan ng pandemya subalit mabilis na nakilala ang kanilang pangalan dahil sa  kanilang yakult-infused flavor na cake.

Bilang isang simpleng inumin hanggang sa ito ay maging isa sa mga flavor na hinahalo sa milktea, ngayon naman ay isa na rin itong flavor ng cake. Sino nga ba naman ang tatanggi na matikman ito?

Sa halagang P450 ay mabibili na ang katakam-takam na 6 inches Yakult Cake na ito.

Imahe mula sa melange.ph via Facebook

Noon pa man ay isa na ang probiotic drink na ito sa mga paboritong inumin ng karamihan. Bukod sa tinuturing ito na healthy drink ay hindi maikakaila ang masarap na lasa nito.

At para maging isa sa mga kakaibang flavor ng cake, ang Yakult Cake na ito ay gumawa ng ingay maging sa ibang bansa nang ma-feature ito sa mga international blog websites na Next Shark at Mothership.sg

Imahe mula sa melange.ph via Facebook

Sa ngayon ang kanilang bakeshop ay tumatanggap pa lamang ng mga orders mula sa Metro Manila at Cavite.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: