Tatay na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, bumalik sa una niyang mahal – ang pagpipinta

  • Sa isang Facebook post, ipinagmalaki ng anak ang kaniyang tatay na kahit nawalan ng trabaho ay bumalik naman sa paggawa ng bagay na una niyang minahal
  • Ang tatay kasi na ito na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ay sinubukang muli ang pagpipinta, at hindi maikakailang napakaganda ng kaniyang mga obra
  • Ngayon ay tumatanggap na ang tatay ng order mula sa mga nais magpapinta o magpagawa ng murals

Ano-anong mga bagay ang gustong-gusto mong ginagawa? Ang mga bagay ba na ito ay nagbibigay sa iyo ng “sense of fulfillment” sa tuwing ginagawa mo ang mga ito? Ano ang epekto nito sa iyong pagkatao?

Imahe mula kay John Michael Serrano via Facebook

Mahalaga na mahal natin ang ating mga trabaho o ano pa man ang ating ginagawa upang magbigay saya at katuparan sa ating mga pinapangarap. At ito ang sinunod ng isang tatay na kahit may edad na ay hindi pa rin nakalimutan ang una niyang minahal – ang pagpipinta.

Sa isang Facebook post, ipinagmalaki ng netizen na si John Michael Serrano ang kaniyang tatay na si Alex Serrano, hindi lamang dahil sa galing nito sa pagpinta, kundi dahil hindi ito nawalan ng pag-asa nang magkaroon ng pandemya.

Ayon kay John Michael, dati itong jeepney driver at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, . Ngunit kahit walang trabaho ay ayaw umanong tumigil ng kaniyang ama sa pagkayod.

Imahe mula kay John Michael Serrano via Facebook

Plano na umanong bumalik sa pamamasada ng tatay ni John Michael, ngunit hindi niya na umano maiwan ang una niyang minahal na kaniyang binalikan noong nawalan ng trabaho — ang pagpipinta.

Sa litratong ibinahagi ni John Michael sa kaniyang FB, makikita ang husay ng kaniyang ama sa pagpipinta na karaniwan ay mga tanawin at prutas. Bukod sa painting ay kaya rin nitong magpinta ng malalaking murals.

Imahe mula kay John Michael Serrano via Facebook

Ang mga painting ni Tatay Alex ay nagkakahalaga lamang ng P2,500 pataas; depende sa laki ng kaniyang ipipinta.

Ayon sa post ng kaniyang anak, ngayon ay tumatanggap si Tatay Alex ng mga nais magpapinta o magpagawa ng murals, at ibinebenta rin niya ang mga nauna niyang painting.

Napakagandang bagay kung ang anumang ginagawa natin ay siya ring mahal natin. Ngunit wala na ring mas gaganda pa sa pagmamalaki ng anak sa ginagawa ng kaniyang tatay. Nawa’y suportahan natin ang mga lokal na sining!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: