SB dancers Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez nagbukas ng kanilang online fitness class

  • Upang maibahagi pa rin ang kanilang galing sa pagsayaw, mayroong naisipang gawin ang SB dancers na sina Rochelle Pangilinan at Aira Bermudez
  • Nagbukas ng kanilang sariling online fitness class sina Rochelle at Aira para sa mga Pinoy na nais mag-workout kahit nasa loob lang ng bahay
  • Abot-kaya ang halaga ng online fitness class na ito na P100 lamang kada session

Ano man ang hilig nating gawin, walang sinuman ang makapipigil sa atin na ito’y maisakatuparan — kahit pa nasa gitna tayo ng pandemya. Sa  panahon ngayon, mahalagang mag-isip ng mga produktibo at mga nakabubuting gawain kahit nasa loob lamang ng mga bahay.

Imahe mula kay Rochelle Pangilinan via Instagram

Kilala ang SB dancers dahil sa galing nila sa pagsayaw at ang mga nakaindak nilang kanta na sumikat at nakilala ng maraming Pinoy noon hanggang ngayon.

Nang magkaroon na sila ng kaniya-kaniyang pamilya, unti-unti na rin silang nagkaroon ng sari-sariling buhay habang ang iba ay nagpatuloy sa pagsasayaw.

Kabilang sa mga nanatili sa pagsasayaw ang mga kilalang miyembro na sina Rochelle Pangilinan at Aira Bermudez. At sa panahon ngayon, upang maibahagi pa rin nila ang kanilang talento sa pag-indak ay nakaisip sina Rochelle at Aira na gumawa ng online fitness class.

Imahe mula kay Rochelle Pangilinan via Instagram

Ibinalita ng GMA Network na magkasamang nagbukas ng sarili nilang online fitness class sina Rochelle at Aira upang magturo ng pagsasayaw at matulungang maging “quaran-toned” ang mga Pinoy na sasali sa kanilang klase.

Ang kanilang online class ay tinawag na “Workout with Aira and Rochelle” o WAR. Kay Rochelle nakatalaga ang morning workout sessions habang si Aira naman ang magtuturo ng dance lessons sa gabi.

“‘Yung mga natutunan ko dati sa mga dance class na ina-attend-an noong mga kabataan namin, nagsisimula pa lang kami, nilagay namin dito. Like ‘yung mga stretching, mag-cool down, lahat talaga, pati breathing exercise, lahat,” sabi ni Rochelle.

Imahe mula kay Rochelle Pangilinan via Instagram

“May mga options naman. Meron naman tayong tinatawag na basics, meron din ‘yung tests, depende naman kasi sa students kaya ‘wag silang matatakot,” sabi naman ni Aira.

Sa halagang P100 kada session, tiyak na abot-kaya ng maraming Pinoy ang online class na ito nina Rochelle at Aira. Bukod umano sa mga nasa Pilipinas, mayroon ding nag-enroll mula sa ibang bansa tulad ng Japan, Dubai at USA.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: