San Miguel Corp inumpisahan na ang pagtatanim ng mangrove sa Bulacan bilang solusyon sa pagbaha

  • Inumpisahan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagtatanim ng mangroves na sasakupin ang halos 76 ektarya sa Bulacan at Central Luzon
  • Tinatayang aabot sa mahigit 190,000 mangroves ang itatanim ng SMC bilang solusyon sa pagbaha sa lugar
  • Ang proyekto na ito ay para na rin matiyak ang maayos na pagpapatayo ng New Manila International Airport sa Oktubre

Lumabas ang ulat na uumpisahan na ang pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan ng country’s top conglomerate na San Miguel Corporation (SMC).

Imahe mula kay Rex Remitio via Facebook

Ang airport na ito ay itinuturing na “game changer” sa magiging turismo ng bansa lalo na at inaasahang sa laki at lawak nito ay inaasahang nasa 30 million na mga turista ang maaari nitong matanggap.

Ngunit bago ang construction ng Bulacan airport, inumpisahan muna ng SMC ang pagtatanim ng mangroves sa tinatayang nasa lawak na 76 ektarya ng Bulacan at Central Luzon.

Sa kaniyang Facebook page, sinabi ng reporter na si Rex Remitio na inumpisahan na ang pagtatanim ng 25,000 mangroves sa 10 ektarya ng coastal area sa bayan ng Hagonoy.

Imahe mula kay Rex Remitio via Facebook

Inaasahang nasa 190,000 mangroves ang kabuuan na itatanim ng SMC bilang solusyon sa pagbaha sa lugar ng Bulacan. Ang proyektong ito ay inilunsad upang matiyak na rin ang maayos na pagpapatayo ng Bulacan airport.

“This project is a major component of our strategy to help solve flooding in Bulacan once and for all. Mangroves are essential to protect against flooding,” ani Ramon Ang, president at CEO ng SMC.

Dagdag pa ni Ang, naglaan sila ng budget na nasa P1 billion para sa paglilinis at pagsasaayos ng mga baradong major river systems at mga tributaryo dahil sa basura at iba pang deposito na dumami sa mga nakaraang taon.

Imahe mula kay Rex Remitio via Facebook

Nauna na ang pagsasaayos ng Tullahan-Tinajeros River system na inumpisahan sa unang buwan ngayong taon. ““It acts as the first line of defense against inundation for those living along the shorelines, whenever there are storms or strong tides,” ani Ang.

“They are also key to maintaining the marine eco-system and water quality, as they are a natural habitat for marine species,” dagdag pa niya. Humngi rin umano ang SMC ng konsultasyon sa local at international experts kung paano masosolusyunan ang pagbaha sa Bulacan.

“It’s all part of the airport development master plan. We will not be investing over P700 billion if flooding and environmental concerns are not addressed,” pagtitiyak ng SMC President at CEO.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: