Salamat, ‘sana all’! ‘Loyal’ na boyfriend, nakatanggap ng gaming set mula sa kasintahan

  • Isang bagong gaming set ang natanggap ni Gilbert Santos Barundia mula sa kanyang kasintahang si Miccaella Reyes Ontog
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Miccaella ang ilang larawan mula sa surpresa niya sa kapareha, na aniya ay reward sa pagiging loyal nito
  • Hiling niya, sana patuloy itong maging mabuti at hindi babaerong boyfriend sa kanya

Kung ang ibang magkasintahan ay pinagtatalunan ang pagkahilig ng isa sa paglalaro ng mga computer game, suportado naman ng isang babae ang libangang ito ng kanyang boyfriend na gamer.

Image via Miccaella Reyes Ontog | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Miccaella Reyes Ontog ang ilang larawan mula sa surpresa niya sa kanyang kasintahang si Gilbert Santos Barundia. Makikita sa kanyang posts ang isang bagong gaming set na tiyak na malaki ang maitutulong sa mga katulad niya na naging bahagi na talaga ng buhay ang paglalaro ng online games.

“Dahil loyal kang boyfriend at hindi ka nambababae!” saad ni Miccaella sa caption ng kanyang mga ini-upload na litrato. “Sabihin mo, ‘Sana all!’ Hahaha! Gaming set for you! Tadah! Sana nagustuhan mo.”

Aniya, batid niyang noon pa lamang ay gusto na ng kanyang kasintahan na magkaroon sila nito kaya minabuti niyang surpresahin ito. Ang hiling lamang niya sa kapareha, sana ay ipagpatuloy nito ang pagiging mabuti at hindi babaerong boyfriend sa kanya.

“Alam ko namang palagi kang tumitingin ng ganiyan, e. Happy na ‘yan? Sana all, ano? Hahahaha! Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuti mong partner! Kapag ikaw e nagloko, ibebenta ko kaagad iyan! Char. Hahaha I love you! Stream na agad!” pagpapatuloy niya sa kanyang kuwento habang ibibibigay ang link papapunta sa magiging channel ng nasabing vlog. “Ginawan ko na, para stream na agad soon! Abangan n’yo.”
Image captured from Facebook

As of writing, nakakuha na ang post ni Miccaella ng lampas 6,800 reactions at mahigit 24,000 shares. Libo-libo na rin ang napa-sana all sa comments section nito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: