Restaurant sa Manila, patuloy pa rin ang pagtulong sa mga empleyado kahit tigil operasyon

  • Ibinalita sa 24 Oras ang tungkol sa isang restaurant sa Manila na kahit natigil ang operasyon noong lockdown ay tinulungan pa rin na kumita ang mga empleyado
  • Gumawa ang restaurant ng donation drive upang makalikom ng mga donasyon na pantulong nila sa frontliners sa pamamagitan ng pagluto ng kanilang pagkain
  • Ang mga empleyado nila na nagluluto at kasama sa programa ay nagkaroon ng kita araw-araw

Ano nga ba ang sikreto ng mga restaurant na matagumpay sa negosyo? Ito ba ang ay ang sa sangkap o lasa ng kanilang isinisilbing pagkain? Pero para sa isang restaurant owner sa Manila, ang tagumpay ng negosyo ay nakasalalay sa pagturing ng kanilang mga empleyado.

Imahe mula Sangkap via Facebook page

Kamakailan ay ibinalita ng 24 oras ng GMA Network ang tungkol sa isang restaurant sa Ermita, Manila na hindi nagpatalo sa pandemya at patuloy pa rin ng tinulungan ang kanilang mga empleydo kahit sila ay tigil operasyon.

Ayon sa ulat, ang restaurant na “Sangkap” ay hindi pinabayaan ang kanilang mga manggagawa kahit nawalan ito ng araw-araw na kita na nagkakahalagang P35,000 hanggang P40,000.

Ang may-ari ng Sangkap, na 17 taon nang nagsisilbi sa mga customer, ay nag-isip ng ibang paraan upang kumita pa rin ang kanilang mga empleyado kahit tigil-operasyon muna ang restaurant.

Imahe mula Sangkap via Facebook page

“Ang turo sa akin ng mga magulang ko na ‘yung mga empleyado po namin hindi lang po sila empleyado, pero parte din po sila ng pamilya namin dito sa Sangkap. Kaya po kung ano man po ang mangyari sa kanila ay kargo po namin sila,” ani Maica Tiu, may-ari ng Sangkap.

Bumuo ang Sangkap ng donation drive na nagtagal ng siyam na araw upang makalikom ng donasyon na kanilang ginamit upang magluto ng mga pagkain na ipinamigay sa frontliners.

“Wala po kaming kinukuhang kita, pero ‘yung magluluto po tsaka mag-aayos po ng mga pagkain makakakuha po sila ng suweldo,” kuwento ni Maica. Kasama ang kanilang mga empleyado, maraming natulungang frontliners ang binuo nilang donation drive.

Imahe mula Sangkap via Facebook page

Nang matapos ang donation drive, nag-umpisa namang magbenta online ang Sangkap upang mapanatili ang kanilang operasyon at kumita pa rin ang mga empleyado.

Mula P2,000 na kita ng restaurant kada araw noong simula silang magbukas pagkatapos ng lockdown, ngayon ay kumikita na sila ng P15,000 na P20,000 kada araw na malaki ang epekto sa kanilang manggagawa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: