Pulis na nakakita ng magsasaka na walang suot na mask, binigyan na lang niya ng face mask

  • Ibinahagi ng isang Facebook page ang mga litrato ng isang pulis na nanita ng magsasaka dahil hindi ito nakasuot ng face mask
  • Imbes na huliin o pagmultahin, binigyan na lamang ng pulis ang magsasaka ng isang ekstra face mask
  • Dito sa bansa, mandatory na ang pagsusuot ng face mask at kung sino man ang makitang lalabag dito ay papatawan ng kaukulang parusa

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maituturing na isang “serious crime” sa bansa ang hindi pagsusuot ng face mask habang nasa labas o pampublikong lugar.

Imahe mula DF Buzz

Ngunit sinabi rin ng pangulo na hindi lahat ng Pinoy ay kayang makabili ng face mask—lalo na iyong mga itinuturing na “poorest of the poor” na maski pagkain ay nahihirapan silang bilhin, face mask pa kaya.

Kamakailan ay lumabas ang balitang tinitignan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbibigay ng face mask sa mga mahihirap na lugar sa bansa. Ito ay ayon na rin sa rekomendasyon ng dating adviser ng national task force against COVID-19 na si Tony Leachon.

Pamahalaan kinukonsidera ang pagbibigay ng libreng face mask sa mahihirap na Pinoy

Dahil hindi naman lahat ng Pinoy ay kayang makabili ng face mask, ang ibig sabihin ba nito ay kinakailangan kaagad hulihin o patawan ng karampatang parusa ang mga mahuhuli na hindi nakasuot ng face mask?

Imahe mula Everything Pinas via Facebook page

Sa Facebook page na Everything Pinas, ibinahagi nila ang larawan ng isang pulis at magsasaka na kaniyang nasita dahil hindi nakasuot ng face mask.

Ngunit imbes na hulihin ng babaeng pulis ang matandang magsasaka na kasama pa ang kalabaw nito nang kaniyang makita, binigyan na lamang ng pulis ng ekstra face mask ang magsasaka.

Imahe mula Everything Pinas via Facebook page

Nilagyan ito ng caption na: Eto talaga ang pinaka logical na gawin. Kung walang mask, bigyan ng mask. Di naman kailangan huliin at ikulong.

Ang post na ito ay umani ng 15,000 reactions na halos puro heart react at 16,000 shares. Maraming netizen ang humanga sa ginawa ng pulis at sinabing sa mga ganitong sitwasyon ay mas mahalagang pairalin ang pag-unawa kaysa maghasik ng takot.


Loading...
Source :

Facebook, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: