Piso para sa laptop: Ilang estudyante, humingi ng tulong sa social media

  • Sa isang ulat ng programang Stand For Truth ng GMA Network, itinampok nila ang mga estudyante na humingi ng tulong sa social media
  • Ang mga estudyante na ito ay humingi ng tulong online upang makaipon sila ng pambili ng laptop na kanilang gagamitin sa darating na online classes
  • Ang proyektong ito ay tinawag na #PisoParaSaLaptop na maaaring magbigay ng kahit anomang halaga via Gcash ng mga estudyante

Sa panahon ngayon ng modernisasyon at social media, madali na lang ang maglungsad ng mga proyekto na maaaring makita o mapansin ng mga netizen na aktibo online.

Imahe mula Facebook

Ito ang ginamit na paraan ng ilang estudyante upang marinig ang kanilang mga boses na humihingi ng tulong para sa kanilang pag-aaral sa darating na pasukan. Dahil magkakaroon na ng online learning at teaching, malaking bagay ngayon ang pagkakaroon ng gadgets tulad ng cellphone at laptop.

Humingi ng tulong ang ilang estudyante sa pamamagitan ng social media gamit ang hashtag na #PisoParaSaLaptop. Kahit sino ay maaaring mag-donate via transfer sa Gcash at maski anong halaga — kahit piso — ay malaking bagay na umano.

Ang kanilang malilikom na donasyon ay ipambibili ng mga estudyante ng laptop na kanilang gagamitin para sa darating na online classes. Ibinabahagi nila ang kanilang mga kuwento online at ang kanilang GCash account number.

Imahe mula Facebook

Ang ilan sa mga estudyanteng ito na kumakatok sa puso ng mga nasa social media ay mula sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng pandemya. Upang hindi umasa sa mga magulang, ang mga estudyanteng ito ay gumagawa na lamang ng kanilang sariling paraan upang makalikom ng pera pambili ng laptop.

Hindi rin humihiling ng bagong laptop ang mga estudyante; kahit secondhand ang kanilang mabili sa maiipon na mga donasyon ay malaking bagay na para sa kanila.

Imahe mula Facebook

Any amount will do po, your one peso will be a very big help for me to continue my studies. For transparency, I promise to present the receipts so everyone can see where their donations  went,” ani ng isang estudyanteng humihingi ng tulong gamit ang #PisoParaSaLaptop.

I-search lamang ang #PisoParaSaLaptop sa social media upang malaman kung paano makatutulong.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: