Pinay sa US, hiniling na sana magkaroon din siya ng coronavirus upang makasama ang anak sa ospital

  • Hiniling ng isang ina na sana ay magkaroon din siya ng COVID-19 upang makapiling ang anak sa hospital
  • Ang anak kasi niya ay isang “person with special needs” kaya nais ng ina na iparamdam sa anak na gagaling siya mula sa virus
  • Ang pagkakaroon ng coronavirus ang isang nakikitang paraan ng ina upang maalagaan ang kaniyang anak

Halos lahat ng tao ngayon sa buong mundo na nakararanas ng COVID-19 pandemic ay iisa lamang ang hangad: ito ay ang hindi mag-positibo sa coronavirus. Ngunit hindi ito ang kaso para sa isang inang may anak na dinapuan ng COVID-19.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Sa programa ng GMA Network na Juan Love, Pag-ibig sa Panahon ng Pandemya, itinampok nila ang kuwento ng isang Pinay na nakatira sa Unites States at ang pinagdaanan ng kanilang pamilya dahil sa coronavirus.

Ikinasal noong 2006 sina Jarolyn at Billy Moulder at nanirahan na sila sa US kasama ang anak ni Joralyn na si Vincent. Kahit hindi anak ni Billy si Vincent, tinuring pa rin niya itong parang sariling anak.

Unang dinapuan ng COVID-19 si Billy, at dalawang araw lamang ang nagdaan ay ang 21 anyos naman na si Vincent ang nahawa sa kaniyang ama at nagpositibo sa virus.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Mas delikado ang komplikasyon ng virus kay Vincent dahil siya ay “person with special needs.” Mahina ang ibang parte ng kaniyang katawan, kaya naman labis na nag-aalala ang kaniyang ina na si Jarolyn. Protocol sa ospital na hindi puwedeng may ibang kasama sa kuwarto ang isang COVID-19 patient.

Kaya ang panalangin ni Jarolyn: magkaroon din siya ng COVID-19 tulad ng anak para mabantayan ito sa ospital. “Hiniling ko talaga na magpositibo ako sa virus. Gusto ko iparamdam sa anak ko, na sa laban ng COVID-19, dalawa kami rito,” ani Jarolyn.

At parang nadinig ang kahilingan na ito ni Jarolyn dahil nagpositibo rin siya sa coronavirus. Dahil mild symptoms lamang ang naramdaman niya, nagawa niyang alagaan ang anak habang dalawa silang nasa ospital.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Habang inaalagaan ni Jarolyn si Vincent ay mag-isa naman na nagpapagaling sa kaniyang kuwarto si Billy. Pagkatapos ng dalawang linggo ng pananatili sa ospital ay gumaling na si Billy.

Muli namang dininig ang panalangin ng mag-inang sina Vincent at Jarolyn dahil June 23 ay naging negatibo na sa virus si Vincent at nakalabas na ito sa ospital.

Kung susubukin muli ang kanilang pamilya, hindi umano magdadalawang-isip si Jarolyn na samahan ulit ang anak sa hospital at alagaan itong muli.

Panoorin ang buong video na ibinahagi ng GMA Public Affairs:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: