Philippines, nag-top 1 sa dami ng registration para sa Mars exploration mission ng NASA

  • Kamakailan ay inanunsyo ng National Aeronautics and Space Administration ang pagbiyahe sa Mars 2020 Perseverance rover na inaasahang makararating sa Mars sa taong 2021
  • Bilang bahagi ng mission na ito, maaaring magpasa ng pangalan ang sinumang tao sa buong mundo na ilalagay sa microchip sa loob ng rover
  • Lumabas ang balitang nanguna ang Pilipinas sa pinakamaraming nag-register na pangalan para sa Mars mission

Inisip mo na rin ba kung ano ang pakiramdam na tumira sa ibang planeta? Kung bibigyan ka ng pagkakataon, nais mo bang tumira sa ibang planeta sa solar system maliban sa mundong tinitirahan mo ngayon?

Imahe mula Freepik

Kamakailan ay inanunsyo ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kanilang programa na pagpapadala ng isang space rover sa tinaguriang “red planet,” ang Mars.

Ang Mars 2020 Perseverance rover, tinaguriang “most advanced Mars rover,” ay ni-launch na kamakailan lang patungong space mula sa Cape Canaveral Air Force Station sa Florida. Tinatayang aabutin ng pitong buwan ang pagbyahe ng rover patungong Mars.

Inaasahang makararating sa Cezero Crater ng Mars ang Perseverance rover sa petsang February 18, 2021 ayon sa NASA. Bukod sa mission nito na “human exploration beyond the Moon,” dala rin ng rover ang milyong-milyong pangalan ng mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Imahe mula NASA website

Bago kasi ang launching ng rover ay inanunsyo ng NASA na maaaring mag-register ang sinumang nais isama ang kanilang pangalan sa loob ng rover at magkakaroon din sila ng libreng souvenir pass.

Ang mga pangalan ng nag-submit ay inilagay sa stenciled microchip na dadalhin ng mga future Mars mission at exploration ng NASA. Ang mga naunang nagpasa ay nakasama na sa Perseverance rover, habang ang ilan naman ay sa susunod na Mars 2026 mission na.

Imahe mula NASA website

Sa mga nagpasang pangalan sa NASA para sa Mars exploration mission, ang Pilipinas ang nangunana sa dami ng mga nag-submit ng kanilang pangalan na umabot sa higit kalahating milyon. Ang data na ito ay inilabas ng NASA sa kanilang website.

Kasunod ng Philippines sa listahan ng dami ng mga nagpasa ng pangalan ay ang United States, India, at Brazil. Sa mga nais pang mag-register, puntahan lamang ang: go.nasa.gov/3fe5e5I


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: