Pambansang laro ng mga batang 90’s: Nakalaro ka rin ba ng bahay-bahayan o luto-lutoan?

  • Inalala ng mga batang 90’s ang nauusong laro sa mga batang babae noon na hanggang ngayon ay nilalaro pa rin ng ibang bata
  • Ang larong ito ay bahay-bahayan o luto-lutuan kung saan ay gumagawa ang mga bata ng tila bahay nila saka kunyaring nagluluto dito gamit ang mga sangkap na makikita lamang sa paligid
  • Maraming magagandang alaala ang naidulot ng larong ito sa mga Pinoy na nakaranas nito

Ano ang paborito mong laruin noong bata ka? Mahilig ka ba sa mga laruan na binubuo? O mas gusto mong nakikipaglaro sa mga kapuwa bata sa labas ng inyong bahay?

Imahe mula sa Philippine News Agency (PNA)

Bago pa man dumating ang modernisasyon at nauso ang mga gadgets kung saan maaaring makalaro ng iba’t ibang virtual games ang mga bata, simple lamang ang kaligayahan ng mga bata noon — ang paglalaro sa labas kasama ng mga kaibigan.

Maraming larong Pinoy ang nauuso noon, kabilang na dito ang Langit lupa, Agawang base, Patintero, Tagu-taguan, Luksong tinik, Doctor kwak-kwak, at marami pang iba.

Ngunit bukod sa mga nakapapagod na mga larong ito kung saan ay kinakailangan mong tumakbo at tumalon nang buong giliw, may laro din noon na mas pinapagana ang imahinasyon ng mga bata: ito ay ang bahay-bahayan.

Imahe mula sa Philippine News Agency (PNA)

Nakatutuwa para sa mga batang babae ang larong bahay-bahayan dahil nagagawa nila ang pinapangarap na hitsura ng bahay gamit lamang ang mga materyales na nakita nila sa tabi-tabi tulad ng pinagtagpi-tagping sako.

Bukod sa paggawa ng bahay, nilalaro din dito ang lutu-lutuan kung saan gamit ang mga gawa-gawang palayok, pinggan, at lutuan, kunwaring nagluluto ang mga bata ng pagkain gamit lamang ang mga dahon at bunga ng mga nahulog na prutas.

Imahe mula Facebook

Ibinahagi ng Facebook page na T r u e f r i e n d s ang litrato ng mga bata na naglalaro ng lutu-lutuan. Nilagyan nila ito ng caption na: If you remember this game, you’re a legend.

Marami nga namang magagandang alaala ang mga bata noon sa paglalaro nila ng bahay-bahayan at lutu-lutuan. Bukod sa nahahasa ang kanilang pagiging mapamaraan, naging aktibo rin ang kanilang imahinasyon sa larong ito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: