Pamahalaan kinukonsidera ang pagbibigay ng libreng face mask sa mahihirap na Pinoy

  • Ayon sa dating adviser ng national task force against COVID-19, tinitignan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagbibigay ng face mask sa mahihirap na Pinoy
  • Kung hindi kayang makabili ng pagkain ang mahihirap na Pinoy, ibig sabihin ay hindi rin sila nakabibili ng face mask
  • Ayon sa kalkulasyon, aabutin ng P300 million ang halaga ng pagbibigay ng libreng face mask sa Manila lamang

Kung noon ay kulang na kulang ang mapagkukunan ng face mask dito sa bansa, ngayon ay naglipana na ito sa iba’t ibang tindahan at maski online. Mula sa surgical mask hanggang sa cloth mask — ano man dito ay maaaring isuot lalo na kapag lalabas ng kanilang bahay.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Ngunit kahit marami na ang nagtitinda ng face mask, hindi naman lahat ng Pinoy ay afford ang makabili nito — lalo na ang mga mahihirap na pamilya. Kaya naman kinukonsidera ng pamahalaan ang pagbibigay ng libreng face mask sa mga mahihirap na Pinoy.

Ayon sa physician at dating adviser ng national task force against COVID-19 na si Tony Leachon, mahalaga ang pagbibigay ng libreng face mask sa mahihirap na lugar at pamilya dito sa bansa upang mapigil ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19.

The strategy right now is to go to the preventive side because the bigger pie is about 85 percent, put all your money there and all the infrastructure related to that. We have to prevent it para hindi sila ma-admit sa ospital,” ani Leachon sa kaniyang panayam sa CNN Philippines.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

“Akala natin hindi nagbe-behave ‘yung mga mahihirap. Eh pagkain nga walang mabili, mask pa kaya? They want to wear masks, we have to provide access. Dapat libre natin ang masks, particular sa urban poor, because the middle class and upper class can afford it,” dagdag pa niya.

Ang mungkahi na ito ni Leachon ay tinanggap naman ni Presidente Rodrigo Duterte. Ani Leachon, inatasan ni President Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na kalkulahin kung magkano ang aabutin ng pagbibigay ng mahigit P20 million face mask sa Metro Manila.

Ayon kay Duque, maaari itong abutin ng hanggang P300 million.


Loading...
Source :

CNN PH, Philstar

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: