Pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulacan, uumpisahan na sa Oktubre

  • Kinumpirma ng San Miguel Corporation  (SMC) na uumpisahan na ang pagpapatayo ng New Manila International Airport sa Bulacan sa darating na Oktubre
  • Inilarawan ang ipatatayong paliparan na ito bilang “game changer” sa turismo ng bansa lalo na at tinatayang nasa 30 million tourists ang kayang matanggap nito
  • Nakuha ng SMC ang kontrata ng pagpapagawa ng paliparan sa halagang P734-B noong nakaraang taon

Nabinggwit ng San Miguel Corporation (SMC) ang kontrata sa ipatatayong New Manila International Airport noong Agosto ng nakaraang taon. Walang ibang nakalaban ang SMC sa bidding ng Swiss Challenge para sa pagpapagawa ng airport.

Imahe mula San Miguel Corporation via Facebook

Tinatayang nasa P735-billion ang aabutin ng pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulakan, Bulacan na may tinatayang lawak na 2,500 hectares.

Halos isang taon pagkatapos makuha ang bidding, inanunsyo ng San Miguel Corporation na uumpisahan na ang pagpapatayo ng airport sa darating na Oktubre.

“At tayo naman sa San Miguel, tuluy-tuloy ang ating investment to build infrastructure projects. At ‘yung Bulacan Airport, tinitingnan lang namin ‘yung araw for the signing of the financial closure with the financer banks. So tuloy na rin ‘yan within the next two to three months, ‘yung Bulacan Airport, groundbreaking na rin,” ani SMC President at COO Ramon Ang.

Imahe mula San Miguel Corporation via Facebook

Inilarawan ang New Manila International Airport bilang “game changer” sa magiging turismo ng bansa lalo na at inaasahang sa laki nito ay maaaring makatanggap ng nasa 30 million na mga turista.

Isa sa mga pangunahing layunin ng airport sa Bulacan ay upang mabawasan ang dami ng mga pasahero at eroplano sa Ninoy Aquino International Airport sa Manila.

Imahe mula San Miguel Corporation via Facebook

“It is our single-biggest investment in the country. It is a landmark Filipino project that will be built at no cost to the government and with no subsidies or  guarantees of any kind,” ani Ang sa isang panayam.

Tinatayang aabutin ng apat hanggang anim na taon ang construction ng phase 1 ng Bulacan airport na inaasahang magtatagal ang operasyon nito hanggang 50 na taon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: