Paglilinis ng basura sa gitna ng pandemya: Daily sweeping operations, inilunsad na sa Maynila

  • Bukod sa mga proyekto laban sa COVID-19, hindi naman nakalilimutan ng Manila City local government ang iba pang proyekto sa lungsod
  • Inanunsyo ni Mayor Isko Moreno sa kaniyang Facebook page ang mga hakbang at proyekto ng paglilinis sa buong lungsod tulad ng regular daily sweeping operations
  • Bukod sa mga daan, nililinis din ang mga estero sa lungsod

Isa sa pangunahing layunin ng local government sa buong bansa ngayon ay ang pagsugpo sa COVID-19 sa kanilang lugar. Dahil sa dumaraming kaso ng mga positibo sa coronavirus, kinakailangang maghigpit ng mga lungsod upang maprotektahan ang kanilang mga residente.

Imahe mula Isko Moreno Domagoso Facebook page

Ang lungsod ng Maynila ang pinakamalaking konurbasyon dito sa bansa na binubuo ng 16 na distrito. Ito rin ang itinuturing na pinakamataong lungsod sa bansa na mayroong mahigit 1.7 million na populasyon.

Kaya naman malaking responsibilidad ang nakapatong sa balikat ni Manila City Mayor Isko Moreno upang matiyak ang kabutihan ng mga nasasakupan lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

Bukod sa kaliwa’t kanang proyekto ng local na pamahalaan ng Manila upang labanan ang COVID-19, hindi rin naman nila nakalilimutan ang ibang reponsibilidad upang mas lalong mapabuti ang lungsod.

Imahe mula Isko Moreno Domagoso Facebook page

Sa kaniyang Facebook page, pinaalala ni Mayor Isko ang araw-araw na isinasagawang regular sweeping operations upang mapanatili ang linis ng mga distrito sa Maynila.

“Sa ganap na alas-4 ng umaga, nagsisimula na po ang regular daily sweeping operations ng ating masisipag na Department of Public Services (DPS) District III sweeper,” ani ng post ni Yorme Isko.

Ang mga lugar na mayroong regular daily sweeping operations ay Palanca, Villalobos, Carriedo, Evangelista, Recto going Rizal Avenue, Quezon Boulevard going Bambang, Plaza Sta. Cruz, T. Alonzo, at Raon.

Imahe mula Isko Moreno Domagoso Facebook page

Bukod sa pagwawalis sa mga lugar, patuloy din na nililinis ang maruming estero sa mga lugar sa lungsod. Kamakailan ay nilinis ng DPS Estero Rangers at mga kawani ng Barangay 266 ang Estero de Magdalena.

Sa kaniyang Facebook post, pinaalalahanan ni Mayor Isko ang mga nakatira na malapit dito tungkol sa Ordinance no. 7866 na nagbabawal ng pagtatapon ng anumang basura sa ating mga katubigan.

“Malaki na po ng pinagbago ng sitwasyon sa esterong ito mula nang simulan natin ang ating clean up operations noong nakaraang taon.
Ngunit, mahalaga rin po na sa atin mismo magsimula ang pagbabago. Ipakita po natin ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng responsableng pagtatapon ng ating mga basura,” ani Mayor Isko.

Ngayon panahon ng pandemya, nawa’y hindi rin natin makalimutan na magtapon nang tama ng mga basura.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: