Pagkakaroon ng supportive girlfriend o asawa, malaking tulong para makamit ang tagumpay, ayon sa isang netizen

  • Umabot sa mahigit isang libong shares sa Facebook ang “appreciation post” na ibinahagi ng isang netizen para sa kanyang asawa/business partner
  • Nakasaad kasi rito ang pasasalamat niya para sa lahat ng tulong at suporta na ibinigay ng kanyang kabiyak mula noon hanggang ngayon
  • Marami namang netizens ang na-inspire sa kuwento ng mag-asawa at sumang-ayon na malaking tulong nga ang pagkakaroon ng isang supportive na kasintahan

May kasabihan tayo na “a happy wife equals a happy life” at aminin man natin o hindi, ilang Pinoy na rin ang naniniwalang totoo nga ito. Sabi nga nila, mas masarap daw kasi kapag nagkakaunawaan ang mag-asawa at parehong nagtutulungan para makamit ang mga pangarap sa buhay.

Imahe mula sa Facebook | Tenten Royo

Patunay na rito ang netizen na si Tenten Royo na gumawa ng “appreciation post” para sa kanyang misis/business partner. Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Royo ang pasasalamat n’ya para sa lahat ng tulong at suporta na ibinigay ng kanyang kabiyak na si Abby. Kasalukuyan din silang namamahala ng isang negosyo na unti-unting umusbong dahil umano sa maganda nilang samahan.

“Big part talaga ng success ‘yung nakatagpo tayo ng Misis/Jowa na susuporta sa mga plano natin. ‘Yung ibibigay ‘yung buong tiwala at hindi magda-doubt kahit konti, na kahit manalo matalo and’yan pa rin s’ya sa tabi mo at hindi magsasawang i-cheer up ka ulit,” saad ni Royo.

Dagdag pa n’ya, sa kanyang misis daw s’ya humuhugot ng lakas araw-araw para mas lalong magsipag at maging determinado. Ikinuwento n’ya rin kung paano s’ya hindi pinabayaan ni Abby sa t’wing pagod na s’ya sa trabaho.

“Most of the time talaga s’ya ‘yung nagiging hero ko kasi pag ramdam n’yang stress na ako at pagod eh nagta-take over na siya at siya na ‘yung humaharap sa mga client at pipilitin n’ya akong magpahinga,” sabi ni Royo.

Imahe mula sa Facebook | Tenten Royo

Dahil dito, agad nag-viral ang kanyang post at sa katunayan ay pumalo na sa mahigit isang libong shares sa ngayon. Marami ring netizens ang na-inspire at kinilig sa kuwento ng mag-asawa.

“Iba yung fullfilment pag na sa’yo na ‘yung tamang tao na mag-lilift up sayo through ups and downs. Congrats!” komento ni Chiro Cahati. “Salamat sa inspirasyon sa lahat ng mga nagsisimula pa lamang gaya ko. Sana maging successful din kami tulad n’yo. God bless you both,” pahayag naman ni Mariz Borlasa.

Gayunpaman, inaalay pa rin ni Royo ang lubos na pasasalamat sa Panginoon dahil sa lahat ng biyayang natanggap n’ya mula sa Kanya, lalong lalo na si Abby.

“Sobrang thankful ako kay God, at araw-araw kong pinagpapasalamat lahat. Hindi rin kasi mangyayari ‘to kung hindi N’ya binigay si Abby sa buhay ko… Sarap sa pakiramdam kapag nasa tamang tao ka na,” saad niya.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: