“No talking policy” ipinatutupad na sa LRT-2

  • Upang hindi kumalat ang coronavirus sa operasyon ng LRT-2, hinigpitan ng management ang health at safety protocols para sa mga pasahero at staff
  • Kamakailan ay ipinagbawal ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pagsasalita ng mga pasahero sa loob ng tren upang maiwasan na rin ang posibleng pagkalat ng virus
  • Ang “no talking policy” ay nagbabawal sa pakikipag-usap sa kapuwa pasahero at pagsagot sa tawag ng mobile devices

Ang isang tao na infected ng coronavirus ay maaaring mag-produce ng respiratory droplets na kayang maipasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtalsik ng laway.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Kaya naman lubos na pinapaalala ng World Health Organization ang pagsusuot ng face mask lalo na tuwing lalabas ng bahay at pagsunod sa physical distancing. Ngunit kahit sinusunod ang mga ito, kung nagkaroon naman ng close contact ang taong positibo sa coronavirus ay malaki ang tsansang siya ay makahahawa.

May paraan o proseso kung paano nahahawa o nakukuha ang COVID-19: ito ay ang pag-ubo, pagsasalita, at paghinga ng taong infected sa virus na malapit lamang sa isang taong hindi infected. Kapag dumaan ang virus sa respiratory track ng tao ay saka ito magre-replicate.

Dahil na rin sa nangyaring pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Rail Transportation o MRT, ipinatupad kamakailan ng Light Rail Manila Corporation o LRMC ang “no talking policy” o ang pagbabawal sa pagsasalita sa loob ng tren.

Sa ilalim ng no talking policy, ipinagbabawal ang pakikipag-usap sa kapuwa pasahero sa pila at sa loob ng tren o pagsagot ng tawag sa mobile devices habang nakasakay sa tren.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Sa ngayon ay wala muna umanong kalakip na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa bagong polisiya at pagsasabihan muna ang mga mahuhuling pasahero. Subalit kung marami ang pasaway at hindi sumusunod, maaaring magpataw ng kaukulang parusa ang management ng tren.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT-2, wala pang confirmed na kaso ng COVID-19 sa kanilang personnel. Mayroong kumpirmadong dalawang kaso ng coronavirus ngunit iyon ay mga nasa opisina at wala mismo sa istasyon ng mga tren. Matagal na rin umanong na-isolate ang dalawang kasong iyon bago pa nalaman na positibo sila sa virus

Limitado ang bilang ng mga sumasakay ngayon sa tren at wala na ring ticket seller sa mga istasyon. Makabibili na lamang ng ticket sa mga unit ng ticket vending machines.

Panoorin ang buong paliwanag sa video na ibiahagi ng Stand For Truth:


Loading...
Source :

YouTube, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: