Never too old to fall in love: Aktres na si Maritoni Fernandez, ikinasal sa edad na 51

  • Sa kaniyang Instagram account, ibinalita ng aktres na si Maritoni Fernandez ang pagpapakasal nila ng kaniyang partner na si Mon Dayrit
  • Hindi pa pinapayagan ang church wedding ngayong may pandemya, kaya naman simpleng civil wedding ang naganap 
  • Sa edad na 51 ay ikinasal si Maritoni na mayroong dalawang anak, una sa dati niyang asawa, at ikalawa ay sa nakaraang relasyon

Anong edad ba ang ideal na magpakasal ang isang tao? Mayroon nga bang nakatakda lang na edad para makapag-asawa ang isang tao?

Imahe mula kay Maritoni Fernandez via Instagram

Ayon nga sa iba, “we are never too old to fall in love” dahil wala namang pinipiling tao, oras, edad, o pagkakataon ang pag-ibig. Kung iyan ay dumating na, kusa na lang ito yayabong sa pagitan ng dalawang tao.

Ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon, katulad na lamang ng ipinamalas ng aktres na si Maritoni “Ton” Fernandez na kamakailan ay ikinasal sa edad na 51.

Lumabas ang balitang pagpapakasal ni Maritoni at ng kaniyang kinakasama na si Mon Dayrit nang ibahagi ng aktres ang mga litrato ng kanilang kasal sa kaniyang Instagram account.

Imahe mula kay Maritoni Fernandez via Instagram

Sa series of Instagram posts, ipinakita niya ang litrato nilang mag-asawa na tinawag pa si Mon bilang kaniyang “forever.” Habang mayroon din namang litrato sa reception na nilagyan niya ng caption na: “Nothing fancy, just love.”

Sa pangatlo naman niyang post ay sinabi ng aktres na espesyal para sa kaniya ang araw ng kaniyang kasal. “This is the day the Lord has made. After 51 years, I have found my forever. Today, I became Mrs. Dayrit!”

At sa panghuling post, litrato naman ng kanilang kamay na may nakasuot na wedding ring ang ibinahagi ni Maritoni. “Today I woke up a Mrs!”

Imahe mula kay Maritoni Fernandez via Instagram

Ginanap ang civil wedding nina Maritoni at Mon sa  Parañaque City Hall. Binati naman siya ng mga malalapit na kasamahan sa showbiz na sina Coney Reyes, Heart Evangelista, Carmi Martin, at Lorna Tolentino.

Mayroong dalawang anak si Maritoni mula sa kaniyang mga nakaraang relasyon; ang panganay na anak na si Lexi at anak na lalaking si Liam.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: