Netizen ipinagmalaki ang kapatid na umakyat pa sa bubong makahanap lang ng signal para sa ka-chat

  • Sa isang Facebook post, ipinagmalaki ng netizen ang kaniyang kapatid na loyal sa kaniyang ka-chat o kung sino man ang karelasyon nito
  • Ang kaniyang kapatid kasi ay pumunta pa sa bubong para lang maghanap ng malakas na internet signal para sa ka-chat
  • Ang post na ito ay umani ng libo-libong reactions at shares sa mga netizen

Maituturing nang parte ng modernisasyon ang paggamit ng gadget at social media araw-araw. Mayroong mahalagang papel ang mga ito sa paraan ng pakikipag-communicate natin sa isa’t isa.

imahe mula Freepik

Mas lalong yumabong ang paggamit ng gadgets at social media nang magkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic. Dahil lahat tayo ay napilitang mamalagi sa loob ng bahay, ito ang naging tanging paraan upang mapawi ang pagkainip at upang makausap ang mga kaibigan at makibalita sa social media.

Ngunit dahil din sa lockdown ay maraming mga magkasintahan ang nahirapan dahil hindi nila nakita ang isa’t isa. Ang tanging naging paraan nila upang makausap at masilayan ang isa’t isa ay sa social media rin.

Pero paano kung sa oras na magkausap kayo ng iyong kasintahan o nililigawan ay bigla na lamang humina o nawala ang Internet connection? Ano ang iyong gagawin? Hihintayin mo na lang bang bumalik ulit ang signal o gagawa ka ng paraan sa ngalan ng pag-ibig?

Imahe mula Freepik

Para sa netizen na si Daniel Andrade, walang mahinang signal ang makapipigil sa kaniya upang hindi makausap ang kaniyang ka-chat dahil gumawa siya mismo ng paraan para makahanap ng malakas na signal—kahit pa umakyat siya sa kanilang bubong habang umuulan.

Ang eksenang ito ay nakuhanan ng kapatid ni Daniel na si Ianbhel at ibinahagi sa social media. Ang litrato na in-upload ni Ianbhel ay umani na ng 23k reactions at 19k shares sa Facebook.

Makikita kasi sa litratong ito si Daniel habang nasa kanilang bubong at may hawak na payong dahil umuulan. Kaya siya naroon ay upang makasagap ng mas malakas na signal upang makausap ang kaniyang ka-chat.

Imahe mula kay Ianbhel Andrade

Nilagyan ito ni Ianbhel ng caption na: Kung sino ka mang jowa ng kapatid ko, ‘wag mo yan lolokohin, tignan mo effort sa yo, makahanap lang ng signal para maka-chat ka, hindi nagpatinag sa ulan pumunta sa bubong kahit malakas ulan at nagpayong.

Nakatataba man ng puso isipin, mahalaga rin na isaalang-alang natin ang ating kaligtasan, dahil paano kayo magmamahalan kung ang isa sa inyo ay napahamak dahil sa mga delikadong effort? Be safe!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: