‘Nakawawala ng pagod:’ Jeepney driver, na-hulicam na kayakap ang alagang aso

  • Nakuhanan ng isang netizen ng litrato ang jeepney driver at ang kasama nitong aso habang namamasada sa Makati City
  • Ayon sa uploader, nakawawala ng pagod ang nasaksihang pagmamahalan ng jeepney driver habang yakap-yakap ang alaga nitong aso
  • Kahit nasa jeep ay mayroon pa ring pagkain at inumin na dala ang jeepney driver para sa alagang aso

Mayroon talagang bagay o pangyayari na kapag ating nakita ay agad na nagpapawala sa ating nararamdamang pagod o pagkalungkot.

Imahe mula kay Dave Manzano Fuentes

Bukod sa ang bagay o pangyayari na ito ay nagpasaya sa ating puso o ‘di naman kaya ay nagbigay ng inspirasyon sa atin, nagpaniwala din ito sa atin na may mga bagay na mabubuti sa mundong ito kahit minsan ay gusto na nating sumuko.

Ibinahagi ng isang netizen sa Philippine Star Facebook page ang isang pangyayari na kaniya umanong nasaksihan at agad na nagpawala sa kaniyang nararamdamang pagod.

Kuwento ni Dave Manzano Fuentes, pauwi na siya mula sa trabaho at nakararamdam na ng pagod nang makita niya ang isang jeepney driver habang kasama sa pamamasada ang alaga nitong aso.

Imahe mula kay Dave Manzano Fuentes

“It was a very tiring day nung araw po na ‘yon. Nakasakay na po ako sa shuttle and pauwi na galing work. Then I saw them. Nakakawala ng pagod,” kuwento ni Dave.

Noong una ay nag-aalala pa umano si Dave sa kalagayan ng aso na isinama ng kaniyang amo sa pamamasada.

“Nung una, medyo natakot ako para sa aso, kasi parang hindi safe. Inisip ko na baka walang mag-aalaga sa kanya habang nagtatrabaho si manong driver kaya siya isinama po.”

Ngunit nakita naman umano niya na mayroon itong tubig at pagkain sa loob ng jeepney, “And mukhang nag-eenjoy naman siya sa biyahe with his furdaddy. I saw the dog has food and water. Kaya naisip ko na okay na din po iyon,” ani Dave.

“The dog is really enjoying the ride with his owner. You guys made my day!” masayang sinabi ni Dave. Huwag din daw mag-aalala sa kaligtasan ng nasabing aso sa loob ng jeep dahil binabantayan ito ng kaniyang amo at mabait din ang aso habang nakasakay sa jeep.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: