Nakabibilib na miniature paintings, obra ng isang 20-anyos na walang formal art training

  • Mga nakabibighani at nakabibilib na miniature paintings ang ibinahagi ng 20-anyos na estudyante sa social media
  • Ang mga obra na ito ay hango sa mga gawa ng kaniyang tinitingalang pintor na si Vincent van Gogh
  • Ayon sa estudyante, hindi siya dumaan sa pormal na art training at hinasa lamang niya ang talento sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng iba’t ibang artworks

Great things are done by a series of small things brought together.” – Vincent van Gogh

Imahe mula kay Kahrem M. Melchor via Facebook

Nakadepende nga ba sa sukat ang laki ng kahalagahan ng isang bagay? ‘Ika nga ng kasabihan, “big things come in small sizes” at ito ang pinatuyan ng isang 20-anyos na estudyante na walang kahit na anong pormal na pagsasanay sa paglikha ng sining ngunit nakagawa pa rin ng mga nakabibilib na obra.

Sa isang Facebook post, itinampok ang mga ginawang obra ni Kahrem M. Melchor, mula sa Binmaley, Pangasinan, na miniature paintings na hango sa mga obra ng kaniyang tinitingalang pintor na si Vincent van Gogh.

Ang kaniyang mga miniature paintings ay mayroong sukat lamang na 2×3 at kaniyang ginawa habang nasa ilalim ang bansa sa enhanced community quarantine dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic.

Imahe mula kay Kahrem M. Melchor via Facebook

Kuwento ng 20-anyos na graduating student, natuto lamang siyang magpinta noong nakaraang taon. At hindi man halata sa kaniyang mga nakabibilib na obra, hindi umano siya nagdaan sa formal art training.

Ani Kahrem, upang mahasa ang talento ay tuloy-tuloy lang umano siyang nagpinta at unti-unting napabubuti ang mga obra. Ngayon ay natapos na niya ang mga obra sa miniature series at sunod naman niyang ginagawa ay mga artworks tulad ng teabag painting at fan art na usong-uso ngayon.

Imahe mula kay Kahrem M. Melchor via Facebook

“Pursue what you love and do it with passion hanggang sa mag improve ka. Small progress is still a progress,” payo ni Kahrem sa mga tulad niyang kabataan na may nais mapagtagumpayan sa buhay.

Laging tandaan ang kasabihan: “There is beauty about simply doing what you love, and from then on, you’ll see that progress is beautiful!”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: