Nag-viral na pari, ikinuwento ang kaniyang isinagawang blessing sa mga mahihirap na lugar habang nakasuot ng PPE

  • Sa noontime show na Eat Bulaga, naging guest ang nag-viral na pari noon dahil sa kaniyang pagpunta sa mahihirap na lugar upang magsagawa ng house blessing habang nakasuot ng PPE
  • Ikinuwento ng pari ang dahilan kung bakit niya naisipang magsagawa ng house to house blessing sa gitna ng pandemya
  • Nakilala ang pari dahil sa paghahatid ng literal at espiritwal na tulong sa mga mahihirap

Sa panibagong episode ng “Bawal Judgmental” ng noontime show na Eat Bulaga, naging bisita nila ang nag-viral na pari na nagsagawa ng house to house blessing sa mahihirap na lugar habang nakasuot ng personal protective equipment (PPE).

Imahe mula Catholic San Francisco via Facebook

Kuwento ng Katolikong pari na si Father Eduardo “Ponpon” Vasquez, nag-umpisa siyang magpunta sa mga mahihirap na lugar upang magbahay-bahay at magbigay ng pagkain.

“Dahil nga sa marami ang nagugutom at kailangan kong lumabas para magpakain at maglagay kami ng mga gift certificate para sa mga mahihirap, doon ko isinabay ‘yung pagdarasal,” ani Father Ponpon.

“Sabi ko, pupunta na lang rin ako dito may dalang pagkain, bakit hindi ko na lang bendisyunan,” dagdag pa niya.

Kuwento pa ng pari, kung ang mga doktor raw ay nakalalapit sa mga COVID-19 patients habang nakasuot ng PPE, sila rin ay maaari itong gamitin habang nasa labas para sa house to house blessing.

Imahe mula News5 via Facebook

“Actually parang kami ‘yung naunang mga pari na gumamit ng PPE,” dagdag pa ni Father Ponpon na nais ilapit ang pagpapala sa mga mahihirap lalo ngayong may krisis.

Bilang dating kura paroko sa Maguindanao, nagsilbi na rin si Father Ponpon na mediator sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde sa lugar.

Ngunit nasanay man siya na pumagitna sa away, ang COVID-19 pandemic pa rin ang pinakamatindi umano niyang naranasan na giyera.

Nag-viral si Father Ponpon dahil sa pagsuot niya ng hazmat suit habang nagbahay-bahay sa Caloocan at naghatid ng literal at espiritwal na tulong sa mga residente.

Panoorin ang full episode ng Bawal Judgmental dito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: