Mula P8,000 ay naging P2,000 na lamang: Alamin ang modus ng hinati-hating ayuda

  • Iniulat ng GMA Network ang ilang anomalya na naganap sa natanggap na ayuda ng mga mahihirap na Pinoy
  • Imbes kasi na buong halaga ng Social Amelioration Program (SAP) na tulong ng gobyerno ang kanilang natanggap, ay nakihati pa ang ilan sa kinauukulan
  • Itatampok sa programang Imbestigador ang mga kuwento ng mga Pinoy na hindi makatarungan ang natanggap na ayuda dahil sa anomalya

Sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), nasa 18 milyong pamilya ang inasahan na makatatanggap ng nagkakahalagang P5,000-P8,000 bilang tulong pinansyal mula sa gobyerno sa panahon ng lockdown at marami ang nawalan ng kabuhayan.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Ngunit dahil may sangkot na pera ay inulan ng kontrobersiya ang pamimigay ng ayuda dahil sa kaliwa’t kanang alegasyon ng katiwalian. Sa programa ng GMA Network na Imbestigador, tatalakayin nila ang tungkol sa naging implementasyon ng SAP sa mga mahihirap na pamilya.

Isang kuwento na inulat ng GMA Network ay ang tungkol sa modus ng hinati-hating ayuda ng mga residente sa isang barangay sa Quezon City. Ang dapat sana na P8,000 na ayudang makukuha ay naging P2,000 na lamang.

Ang alok umano ng kagawad nila, kapag kumuha ng pay-out ay huwag umano nilang sabihin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naghati-hati sila sa P8,000 na ayuda.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

“Noong nagtanong kami bakit hati-hati, kasi malinaw naman sa balita na ang bawat pamilya makakakuha ng 8,000 pesos, ang sagot naman nila sa amin na huwag daw kami maniwala sa balita, fake news daw po ‘yun. Kung titignan daw po ng DSWD ‘yung lugar namin, sasabihin hindi kami qualified,” ayon sa dalawang residente na nabiktima ng hinati-hating ayuda.

Kaysa wala raw silang matanggap ay pumayag na alamang sila sa alok ng kagawad na maghati-hati sa ayuda. Bukod sa mga residenteng ito sa Quezon City ay isang constructor worker din ang inalok ng isang kagawad upang gawan ng paraan ang matatanggap na ayuda.

Ang construction worker na si “Alex”, ay hindi rin umano napabilang sa listahan ng mga makatatanggap ng ayuda, ngunit kaya umano itong gawan ng paraan ayon sa isang kagawad.

Ang kinakailangan lamang ni “Alex” ay maghanap pa ng ibang tao tao na isasama sa listahan at may porsyento si kagawad sa makukuha nilang ayuda!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: