Mga karaniwang ginagawa ng kabataan noon, ginagawa pa rin ba hanggang ngayon?

  • Sa isang Facebook post ibinahagi ng isang netizen ang mga karaniwang gawaing bahay na ginagawa ng kabataan noong hindi pa nauuso ang social media at mga gadget
  • Maraming netizen ang naka-relate sa mga litrato na kanilang ginagawa noong kabataan nila at maaaring ginagawa pa rin ng iba ngayon
  • Marami ang naghahangad na hindi mawala ang mga gawaing ito sa ating kultura

Kung ikaw ay batang 90’s o ipinanganak ng mas maaga, ano-anong mga gawain noon ang laging ipinapagawa sa iyo at hinding-hindi mo malilimutan? Ang gawain ba na ito ay ginagawa pa rin sa panahon ngayon?

Imahe mula Facebook

Hindi maitatangging mas simple at payak ang pamumuhay noon—wala pang modernisasyon, teknolohiya, at social media. Nakadepende ang mga gawain dati sa sipag at pisikal na paggawa ng mga tao.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Jeneper Cayabyab Tampipig ang mga litrato ng gawaing bahay ng mga kabataan noon na malimit na lamang masaksihan o gawin ng mga kabataan ngayon.

Ang ilan naman sa mga gawaing bahay na ito ay masasaksihan pa rin sa mga pamilya na nasa probinsya. Dahil mas payak ang kanilang pamumuhay, hindi enggrande ang kanilang mga kasangkapan sa bahay.

Imahe mula Facebook

Ang unang larawan na ibinahagi ni Jeneper ay larawan ng batang nangunguha ng dahon ng malunggay. Ito ay kalimitan na iniutos ng nanay upang kaniyang ilagay sa nilulutong ulam. Libre lamang ang pagkuha ng malunggay na hinihingi lang sa kapitbahay.

Sunod naman na larawan ay mga batang nangunguha ng kahoy na panggatong. Ito ang ginagamit upang mapanatili ang apoy sa pagluluto. Kasama rin na litrato ay batang nagluluto gamit lamang ang kahoy bilang kalan. Karaniwang ganito ang masasaksihan sa mga probinsya.

Imahe mula Facebook

Habang ang panghuling larawan naman ay batang nakasuot ng uniporme na may dalang bag at bitbit na kahoy. Ito ay mayroong pinakamaraming reactions sa mga litrato na umani ng 5.3k.

Maraming netizen ang nagpahayag na naranasan nila ang mga gawaing bahay na ito noon ngunit hindi na nila nakikita ngayon. Dahil ibang-iba ang ugali ng mga kabataan noon kumpara ngayon, mahalagang imulat sila sa mga gawaing ganito upang hindi ito tuluyang maglaho sa ating kultura.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: