Mga biktima ng illegal demolition, personal na dinalaw ni Mayor Vico Sotto at binigyan ng tulong pinansyal

  • Sa natanggap na impormasyon tungkol sa isinagawang illegal demolition sa ilang pamamahay, agad na umaksyon ang Pasig City local government
  • Agad nilang binisita ang mga naging biktima ng demolisyon na isinagawa kahit walang court order o maski anong papeles
  • Ang mga biktima na nadamay sa demolisyon ay binigyan ng tulong pinansyal ng Pasig LGU

Karamihan sa mga pamamahay na nasasangkot sa demolisyon ay iyong mga nasa mga lugar o lupa na hindi naman pagmamay-ari ng naninirahan o kaya naman ay private property ng iba.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Ang mga nasasangkot sa demolisyon ay mga mahihirap na pamilya na walang maituturing na sariling bahay at lupa kaya naninirahan na lamang o nagtatayo ng bahay o barong-barong sa lupa na hindi kanila.

Ngunit bago isagawa ang isang demolisyon, kailangan muna itong dumaan sa legal na proseso at mayroong ilalabas na court order upang masimulan ang pagsira sa mga pamamahay. Pinagsasabihan na rin ang mga pamilya tungkol sa demolisyon bago pa ito isagawa upang bigyan sila ng panahon na maghanap ng ibang malilipatan o ‘di kaya ay bibigyan sila ng relocation area.

Kamakailan ay ibinahagi ng Facebook page ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang tungkol sa natanggap nilang impormasyon sa isinagawang illegal demolition sa kanilang lugar.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Binisita ng Pasig City Local Government Unit (LGU) ang dalawang pamilya na naging biktima ng illegal demolition. Ayon sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto, nasa loob pa ng kanilang pamamahay ang mga pamilya nang wasakin ng crane ang kanilang bahay at mayroon pa silang kasamang mga bata sa loob.

Illegal umano ang demolisyon na ito dahil walang court order ang mga nagsagawa nito at wala rin silang maipakitang kahit na anong dokumento.

Buti na lamang at dumating umano ang kapulisan sa gitna ng demolisyon at agad itong ipinahinto, dahil kung hindi, baka nasa 100 na bahay ang nagiba.

Imahe kuha mula sa video ni Mayor Vico Sotto via Facebook page

“May mga tao talagang walang puso. Sa panahon pa talaga ng national health crsis?” hinanakit na post ng Pasig City Mayor. Upang matulungan ang mga biktima ng illegal demolition, nagbigay ng tulong pinansyal ang Pasig LGU.

“No further details as we are currently studying legal action against the businessmen and contractor. Hindi ko na rin ipo-post ang video nung demolisyon mismo pero gagamitin namin yun bilang ebidensya,” ani ng post ni Mayor Sotto.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: