Memory lane: Tinangkilik mo rin ba ang classic Island Biscuit Chocolate Wafer?

  • Isa ang Island Biscuit Chocolate Wafer sa mga pagkain na naging paborito noon ng marami
  • Bata man o matanda ay tinangkilik ang biscuit na ito na naging sobrang popular sa mga Pinoy lalo na noong dekada 90
  • Sa post ng isang Facebook page, binalikan ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit ng classic na biscuit

Naging paborito mo rin ba noon ang Island Biscuit Chocolate Wafer?

Image captured from Facebook

Kabilang ang Island Biscuit Chocolate Wafer sa mga pagkain na nakahiligan noon ng maraming Pilipino. Bata man o matanda ay tinangkilik ang biscuit na ito na naging sobrang popular lalo na noong dekada 90.

Sa Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, binalikan ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit ng classic na biscuit. Bukod sa masarap nitong lasa na nagustuhan ng mga Pinoy, naging paborito rin ito ng mga bata dahil sa hitsura ng packaging nito.

“Diyos ko, tanda ko talaga ito, e, baon ko pa iyan noong kinder ako,” pagbabahagi ni Jhoi Dimaano.

“Nakikita ko ito sa mga kaklase ko noong Kinder,” pagbabalik-tanaw ni Beverly Sarmiento. “Akala ko libre, e ‘di kumuha ako. Ayon, siningil si Lola noong sinundo ako sa school.”

“Grabe, nakaka-miss ang lasa niyan,” wika ni Cla Raisins. “Ang sarap niyan i-partner sa Chocolait. Buhay na buhay ang canteen namin noong elementary dahil dito.”

“Baon ko noong kinder ako noong 1985,” ani Tabitha Dorcas. “Gustong-gusto ko ang packaging dahil sa picture.”

Samantala, mayroon din mga nagbahagi na hanggang ngayon–kahit pa marami nang masasarap at naiibang klase ng biscuit na ipinakilala sa mga Pilipino–ay nananatili pa rin na isa sa kanilang mga paborito ang classic na pagkaing ito.

Image captured from Facebook

Ikaw, ano-ano ang mga alaala ang ibinabalik sa iyo ng classic biscuit na ito? Hanggang ngayon ba ay tinatangkilik mo pa rin ang pagkaing ito?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: