Mas maliwanag at makulay na Maynila, masisilayan sa gabi

  • Sa Facebook ay ibinahagi ng isang netizen ang mga litrato ng mga lugar sa Maynila na kaniyang nadadaanan tuwing gabi
  • Kapansin-pansin sa mga litratong ito ay ang maliwanag at makulay na mga lugar dahil sa mga ilaw at dekorasyon
  • Ang ganitong tanawin na maaliwalas at malinis ayon sa uploader ay nakagagaan ng pakiramdam lalo na sa panahon ngayon

Ano na nga ba ang hitsura ng ating kapaligiran sa panahon ngayon na mayroong pandemya? Bukod sa mas kaunti na lamang ang mga makikitang tao na nasa labas habang nakasuot ng face mask, nabawasan na rin ang mga pampublikong sasakyan sa daan kaya’t nabawasan ang polusyon.

Imahe mula kay Remi Perez via Bayan Mo, Ipatrol Mo FB page

Sa pagdaan ng mga araw noong unang buwan ng lockdown, lumabas ang maraming litrato at balita ng mas malinis na kapaligiran lalo na sa Metro Manila. Ito na rin ay dahil walang lumalabas na mga Pinoy at makikitang sasakyan sa daan.

‘Ika nga sa balita, “the Earth is healing” nang magkaroon ng COVID-19 at napilitan ang mga tao sa maraming bahagi ng mundo na manatili sa kanilang mga tahanan—dahilan upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.

At ngayong nasa ilalim na ng general community quarantine ang Maynila ay maaaninag pa rin ang linis at aliwalas ng mga lugar sa lungsod na nakuhanan ng litrato ng isang delivery rider.

Imahe mula kay Remi Perez via Bayan Mo, Ipatrol Mo FB page

Sa Facebook page ng Bayan Mo, Ipatrol Mo, ibinahagi ni Remi Perez, isang delivery rider, ang mga litrato ng dinadaanang lugar sa Maynila. Makikita sa mga litratong ito ang maliwanag at makulay na lungsod.

Kuwento ni Remi, noong unang linggo ng Hunyo niya napansin ang aliwalas at linis ng mga lugar na madalas niyang madaanan. “Halos araw-araw ko po napapansin, gawa po ng mga deliver ko po around Manila talaga unti-unti na po nababago,” ani Remi.

Paglilinis ng basura sa gitna ng pandemya: Daily sweeping operations, inilunsad na sa Maynila

Imahe mula kay Remi Perez via Bayan Mo, Ipatrol Mo FB page

“Laging may naglilinis ng mga main roads bangketa, palengke,” dagdag pa ng uploader. Ang ganitong kalinisan ng Maynila ay dahil sa pagsasagawa ng mga clean-up drive sa maraming lugar sa lungsod sa pangunguna na rin ni Mayor Isko Moreno.

“Mahalaga rin po na sa atin mismo magsimula ang pagbabago. Ipakita po natin ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng responsableng pagtatapon ng ating mga basura,” pagpapaalala ni Mayor Isko sa kaniyang mga nasasakupan.

Loading...
Source :

Facebook, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: