Manila City gov’t nakatanggap ng P6.3 million na donasyon, ipambibili ng karagdagang antibody testing machine

  • Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang Facebook page na nakatanggap ang kanilang local government ng P6.3 milyon na donasyon
  • Ang donasyon na ito ay nagmula sa La Filipina Uy Gongco Corporation at Philippine Foremost Milling Corporation
  • Ang milyon-milyong donasyon na ito ay ipambibili ng Antibody Testing Machine para sa Drive-Thru COVID-19 Testing Clinics

Isa sa mga nakikitang paraan ng ating pamahalaan upang mapalakas ang pagsugpo ng COVID-19 dito sa bansa ay sa pamamagitan na COVID-19 testing. Ito ay upang malaman kaagad ang mga positibo sa coronavirus at ma-isolate sila upang hindi na makahawa pa.

Imahe mula Isko Moreno Domagoso Facebook page

Kung noon ay iilang COVID-19 testing lamang ang naisasagawa, ngayon ay naglipana na ang mga approved COVID-19 testing facilities na nagsasagawa ng swab at rapid testing upang malaman kung positibo o hindi ang isang tao.

Libreng drive-thru COVID-19 testing center ng Manila City gov’t, binuksan na

Bukod sa mga testing clinics, binuksan na rin ng ilang ahensya ang “drive-thru COVID-19 testing” upang mas mapabilis at mas malawak na mapatupad ang COVID-19 testing sa bansa.

Isa ang Manila City local government sa mga nanguna sa pagbubukas ng libreng drive-thru COVID-19 testing sa lungsod. Nagsimula lang noong nakaraang linggo, ngayon ay dalawang drive-thru testing facility na ang mayroon sa Kartilya ni Bonifacio at Quirino Grandstand.

Imahe mula Isko Moreno Domagoso Facebook page

Dahil libre lamang ang testing dito na bukas maski sa mga hindi residente ng Manila, madaling araw pa lang ay marami nang sasakyan ang nakapila sa drive-thru testing. 700 katao ang kayang ma-test sa Quirino Grandstand habang 200 naman sa Kartilya ni Bonifacio.

Bukod sa magandang proyekto na ito ng lungsod, ibinalita muli ng tanggapan ni Mayor Isko Moreno na nakatanggap ang lungsod ng P6.3 milyon na donasyon mula sa La Filipina Uy Gongco Corporation at Philippine Foremost Milling Corporation.

Imahe mula Isko Moreno Domagoso Facebook page

Ang milyon-milyong donasyon umano na ito ay ipambibili ng karagdagang Antibody Testing Machine katulad ng ginagamit ngayon sa Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila at Drive-Thru COVID-19 Testing Clinics.

Marami namang netizens ang humahanga sa walang sawang sikap ng lungsod upang sa huli ay tuluyan nang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 dito sa bansa.


Loading...
Source :

Facebook, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: