Lolo at kumupkop sa kaniya na naninirahan na lang sa jeepney, tinulungan ng mga netizens

  • Itinampok ng programang Front Row ng GMA News ang kuwento ng lolo at ng kumupkop sa kaniya na napilitang manirahan na lang ngayon sa loob ng jeepney
  • Matapos mawalan ng kabuhayan ang kumupkop sa lolo, hindi sila nakabayad ng renta at napilitang makiusap sa isang may-ari ng jeepney na dito muna sila manirahan
  • Matapos i-post sa social media, marami nang netizens ang agad na tumulong sa lolo at sa kumupkop sa kaniya

Marami mang Pinoy ang naghihirap ngayong mayroong pandemya, marami din naman ang mga nais mag-abot ng kanilang tulong sa mga kapus-palad at hindi rin tumitigil ang gobyerno sa mga isinusulong na proyekto upang makatulong sa maraming Pinoy na nasa laylayan.

Imahe mula GMA Public Affairs via Facebook Page

Isang halimbawa na mayroon pa ring mga Pinoy ang handang magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan ay  nang maitampok ang kuwento ng isang 85-anyos na lolo at ng kumupkop sa kaniya na naninirahan na lang ngayon sa loob ng isang jeepney.

Itinampok sa programang Front Row ng GMA News ang tungkol sa paghihirap ngayon ni Lolo Mario at ng kumupkop sa kaniya na si Kim matapos itong mawalan ng kabuhayan dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Dahil hindi na kumikita ng pera, hindi na nakapagbayad si Kim at Lolo Mario sa inuupahang bahay. Dahil dito, napilitan silang dalawa na manirahan na lamang sa isang nakatenggang jeepney sa kalye ng Rizal Ave. sa Maynila.

Imahe mula kay Marki Tan via Facebook

Nakiusap si Lolo Mario at Kim sa may-ari ng jeepney na kung puwede ay gawin muna nilang silungan ang nakatenggang sasakyan habang wala pa silang matutuluyan.

Dahil ibinahagi rin ito sa social media, marami ang nakaalam sa nakalulungkot na kalagayan ni Lolo Mario at Kim. Nag-post ang GMA Facebook page tungkol sa kalagayan ng dalawa:

Imahe mula kay Marki Tan via Facebook

“Ilang oras lang ang nakalipas nang ibinahagi namin ang kuwento nila sa social media, mayroon agad bumisita kina Lolo Mario at Kim para mag-abot ng grocery items! Maraming salamat po!”

Isa ang netizen na si Marki Tan sa mga agad na tumulong kay Lolo Mario at Kim.

“Napuntahan ko na po siya kanina at personal kong inabot ang aking munting tulong. Sa mga gusto din siyang tulungan, malapit lang siya sa LRT blumentritt station,” ani Marki.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: