Lalaki pinakyaw ang tindang sampaguita at pinakain ang isang batang tindera

  • Namataan ng isang netizen sa Batangas ang mabuting bagay na ginawa ng isang lalaki sa batang nagtitinda ng sampaguita
  • Habang kumakain kasi sa karinderya, nilapitan ng batang nagtitinda ang lalaki at inalok ng sampaguita
  • Nang malaman na hindi pa kumakain ang batang tindera, pinakyaw ng lalaki ang tinda nito at pinakain pa

Sa gitna ng General Community Quarantine (GCQ) ay pinayagan na ang operasyon ng mga restaurant o karinderya basta’t sila ay susunod sa health protocols upang makaiwas sa COVID-19.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Bukod sa dapat ay mayroong mga barrier sa pagitan ng mga customer, limitado lang din na mga customers ang dapat na mga kumakain sa loob ng dine-in restaurants.

At dahil mas maluwag na ang galaw ng mga Pinoy ngayon kumpara noong enhanced community quarantine, marami na ring mga naghihirap na Pinoy ang pumunta sa lansangan upang magbenta at kahit papaano ay kumita lalo na sa gitna ngayon ng krisis.

Mapalad ang mga Pinoy na nakararanas ng tatlong beses na pagkain sa araw-araw at iyong mga nakakakain ngayon sa mga restaurants o kahit sa karinderya kahit mayroong pandemya.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Isang netizen ang nakasaksi ng “small act of kindness” ng isang lalaki habang sila ay kumakain sa isang karinderya sa Lipa, Batangas. Habang kumakain kasi ay nilapitan ang lalaki ng isang batang tindera at inalok ng tinda nitong sampaguita.

Sinabi umano ng batang tindera sa lalaki na ang mapagbebentahan niya ng tindang sampaguita ay pambibili niya ng pagkain dahil hindi pa umano siya kumakain.

Kaya rin nagtitinda ang bata ay dahil wala silang bigas ng kaniyang pamilya. Sa kuwentong ito ng bata ay nahabag ang damdamin ng lalaki at pinakyaw niya ang tindang sampaguita ng bata.

Imahe mula Facebook

Ngunit bukod sa pagbili ng lahat ng tindang sampaguita, niyaya rin ng lalaki ang bata upang kumain tutal ay nasa karinderya na lang din naman sila.

Ayon sa uploader ng litrato na hindi pinangalanan, kinuhanan niya umano ng litrato ang lalaki at batang tindera dahil namangha siya at natuwa sa pinakitang simpleng kabaitan ng lalaki.

Simple at pangkaraniwan mang nangyayari ang ganitong pagtulong, mahalaga na ito ay kilalanin lalo na sa panahon ngayon na kailangan nating paalalahanan ang lahat tungkol sa pagtulong.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: