KILALANIN: Ang nakabibighaning anak ng dating action star na si Jeric Raval

  • Agaw-pansin online ang dalagang anak ng dating action star na si Jeric Raval dahil sa nakabibighani nitong hitsura
  • Ang anak ni Jeric Raval na si AJ Raval ay isa na ring artista na napanood na rin sa telebisyon at aktibo sa social media
  • Marami ang humanga sa ganda ng anak ni Jericsa  dati nitong kinakasama na si Monica Herrera

Malawak ang naaabot ng industriya ng showbiz na maski ang personal na buhay ng mga artista ay naaapektuhan. Lalo na sa panahon ngayon ng social media, bawat netizen ay nakatutok sa araw-araw na pamumuhay ng kanilang iniidolo.

Imahe mula kay AJ Raval via Instagram

Ngunit hindi lang ang personal na pamumuhay ng mga artista ang natututukan ng limelight kundi maski ang kanilang pamilya — lalo na ang anak ng mga artistang mag-asawa.

Kabilang sa mga sikat na anak ng artista ngayon kahit sa musmos na edad pa lamang ay sina Zia, anak nina Marian at Dingdong Dantes; Zion, anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez;  Seve, anak nina Tony Gonzaga at Paul Soriano, at marami pang iba.

Bukod sa mga batang anak ng mga mag-asawang artista, mayroon na ring sumikat lamang nang tumuntong na sa tamang edad upang pasukin ang showbiz. Kahit hindi nila naisin ay mas nakaaagaw ng pansin ang isang artista kung siya ay anak din ng artista.

Imahe mula kay AJ Raval via Instagram

Kilalang-kilala noon ang dating action star na si Jeric Raval dahil sa mga ma-action nitong pelikula tulad ng Sagot Ko ang Buhay Mo (2000), Bagansya (2001) at Anghel dela Guardia (2000).

Nang magka-edad na ay unti-unting nawala sa limelight ang action star. Ngunit hindi rito natatapos ang kuwento ni Jeric dahil ipinagpatuloy ito ng kaniyang anak na pumukaw sa atensyon ng maraming Pinoy.

Imahe mula kay AJ Raval via Instagram

Unang namataan si AJ Raval sa segment ng programang It’s Showtime na KapareWHO kasama ang kaniyang ama noong nakaraang taon. Naging guest din sila sa programa ng ABS-CBN na Minute to Win It.

Dahil sa nakabibighani nitong mukha ay marami kaagad ang nakapansin at humanga kay AJ na anak ni Jeric sa dating kinakasamang na si Monica Herrera, na dati ring aktres.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng Viva Artists Agency (VAA) si AJ na pinag-iigihan ang career sa pagkanta at pagsayaw.

Panoorin ang nakatutuwang clip ng mag-ama sa Instagram:

 

View this post on Instagram

 

Tatay erick: “Ang bantot naman ng sayaw mo nak baka makita ni idol ben tulfo yan baka sabihin wala kang tatay” 😂

A post shared by Aj Raval (@ajravsss) on


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: