‘Kapamilya Forever’ wall, dinagsa ng mga empleyado at taga-suporta ng ABS-CBN

  • Dalawang buwan na ang nakararaan matapos matigil sa pag-ere ang mga palabas ng ABS-CBN dahil sa cease and desist order na ipinataw ng NTC sa TV network
  • Naghatid ng mga mensahe ang mga taga-suporta ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagsusulat sa ‘Kapamilya Forever’ wall
  • Mayroon ding mga lobo, bulaklak, drawings at teddy bears na ibinahagi ang mga taga-suporta ng ABS-CBN

Patuloy ang pagdinig sa kongreso kung mabibigyan bang muli ng prangkisa ang ABS-CBN TV Network upang muling makapag-ere ng kanilang mga palabas sa telebisyon.

Imahe kuha mula sa video ni MJ Felipe via Twitter

Kaakibat nito ay ang mga mensahe ng pagsuporta hindi lamang mula sa mga artista at empleyado ng nasabing network kundi maging ang kanilang mga tagatangkilik.

Ngayon ay hindi lamang makikita ang mga ito sa social media kundi saksi ang Kapamilya Freedom Wall na nakapaskil sa harapan ng opisina ng ABS-CBN.

Makikita sa freedom wall ang mga mensahe, mga ginuhit na larawan at mga puso. Bukod din sa mga bulaklak ay mayroong mga iniwang teddy bears at mga sulat mula sa mga bata na tagapanood ng Yey channel. Ito ang isa sa mga libreng channel na ipinapalabas sa ABS-CBN TV Plus.

Maliban sa ABS-CBN ay pinatawan din ng National Telecommunications Commission ng cease and desist order ang Sky Direct at mga ABS-CBN channels na umeere sa ABS-CBN TV Plus.

Imahe mula kay Isay Reyes via Twitter

Ang ilan sa mga makikitang mensahe sa nasabing wall ay ang mga sumusunod:

“Naiiyak po ako Sir MJ. Kung may biyahe lang sana nandiyan din po ako para magbigay ng suporta sa ABS-CBN. Ang tanging maibigay ko lang ngayon ay panalangin at suporta sa social media”

“Nakakaiyak parang gusto kong pumunta dito”

“I have goosebumps and teary-eyed, seeing those things and reading all the messages! Diyan din sana ako kung nasa Pinas na ako!”

Imahe mula kay MJ Felipe via Facebook Kapamilya Online World

“Kung nandyan kami maski naka wheel chair ako magsusulat din ako. Pero honestly Sir MJ, nag message ako kay Mike Defensor at sa ibang Congressman in support sa ABS-CBN. Taga Ilioilo kasi ako. Good afternoon and God Bless.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: