Kai Sotto, natanggap na ang kanyang NBA G League welcome gear

Imahe mula kay Kai Sotto via Instagram
  • Ibinahagi ni Kai Sotto sa Instagram ang pagkakatanggap nito sa kanyang NBA G League welcome gear
  • Bukod sa mga G League merchandise, mayroon din itong kasamang digital message mula sa G-League Commissioner na si Shareef Abdur-Rahim
  • Maraming netizens ang naghatid ng kanilang pagbati kay Kai sa achievement na ito

“Change the Game. Stay humble… blessed to be a part of such a great organization.”

Imahe mula kay Kai Sotto via Instagram

Ito ang caption ni Kai Sotto sa kanyang Instagram post kung saan kanyang ibinahagi ang kuhang video habang binubuksan ang natanggap na welcome gear mula sa NBA G League.

Nitong nakaraang Mayo ay inilathala sa NBA.com ang press release upang ibalita ang opisyal na paglalaro ni Kai Sotto sa darating na NBA G League 2020 – 2021 season.

Ang NBA G League o G League ay ang opisyal na minor league ng NBA kung saan ay nagbibigay ng oportunidad sa mga pinakamagagaling na manlalaro ng basketball upang ihanda sila sa kanilang propesyunal na karera.

Ang mga manlalaro dito ay nakakatanggap ng mentorship at mga trainings.

Imahe mula kay Kai Sotto via Instagram

Kasama ng nasabing package ay ang digital message mula sa G-League Commissioner na si Shareef Abdur-Rahim kung saan ay naghatid ito ng pagbati sa mga natamo ng batang manlalaro.

Tinawag din ng G-League Commissioner si Kai Sotto na “best young player from Asia”.

Ang iba pang nilalaman ng package ay Tumi body bag at 9Twenty adjustable cap.

Imahe mula kay Kai Sotto via Instagram

Dahil dito maraming netizens din ang nagpabatid ng saya at pagbati kay Kai Sotto dahil sa malaking achievement na ito.

“Kamay sa taas! Paa sa lupa! Stay humble Kai! Work hard and do your best!”

“Keep on grinding bro, this is just the beginning!”

“First full-blooded Filipino in the NBA. God Bless!”