Kabataan party-list rep, napili bilang isa sa “most outstanding politicians in youth sector”

  • Napili si Kabataan party-list representative Sarah Elago bilang isa sa “world’s most outstanding politicians in youth sector”
  • Kabilang si Elago sa limang makatatanggap ng One Young World Politician of the Year award sa  One Young World 2021 Summit sa Germany na gaganapin sa susunod na taon
  • Nasa kaniyang pangalawang termino na si Elago bilang representative at naging author na sa 426 bills sa 18th congress

Alam nating lahat ang kasabihan na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” at kahit minsan ay hindi sumasang-ayon ang ilang Pinoy dito lalo na sa panahon ngayon, mayroon pa ring iba na pinatutunayan ang kasabihan na ito.

Imahe mula kay Sarah Elago via Facebook

Isa na rito ay ang Kabataan party-list representative na si Sarah Elago, dahil sa kaniyang galing at abilidad na makatulong sa ating gobyerno, napili si Elago bilang isa sa “world’s most outstanding politicians in youth sector.”

Napili ang 30 anyos na si Elago bilang isa sa limang young politicians sa iba’t ibang bahagi ng mundo na makatatanggap ng One Young World Politician of the Year award. Ang awarding na ito ay ipagdiriwang sa darating na One Young World 2021 Summit sa Munich, Germany sa susunod na taon.

“Malugod na ibinabahagi ng @KabataanPL ang pagkilala na ito sa lahat ng kabataan na nagsusulong ng bagong pulitika ng pag-asa, pagkilos at pagbabago na naglilingkod sa sambayanan nang buong husay at katapatan,” ani Elago sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula kay Sarah Elago via Facebook

Nasa kaniyang pangalawang termino na si Elago bilang Kabataan Party-list representative. Una siyang naluklok sa posisyon noong 2016, at ngayon ay naging author na sa 426 bills sa 18th Congress lamang.

Nagtapos siya ng Hotel and Restaurant Management sa University of the Philippines, Diliman, at isang aktibong miyembro din si Elago ng Makabayan bloc, samahan ng 12 party-lists na kilala sa kanilang pagtahak sa mga national issue.

Imahe mula kay Sarah Elago via Facebook

Bilang lawmaker, isa si Elago sa maituturing na “poorest member of the House of Representatives,” na may net worth lamang na  ₱85,400 base sa kaniyang 2018 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Ang annual One Young World Politician of the Year award ay pinangungunahan ng youth leadership organization na One Young World mula sa London. Nagbibigay sila ng award sa mga indibidwal na ansa edad 18 hanggang 35 anyos ““who are using their positions to have a positive impact on young people in their communities and countries.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: