Isang paaralan sa Cotabato City, mala-call center agents ang mga guro dahil sa new normal ng pagtuturo

  • Isang paaralan sa Cotabato City ang nagkaroon ng pilot testing kung paano gagawin ng kanilang mga guro ang modular distance learning
  • Mala-call center agents ang nangyari dahil sabay-sabay ang mga gurong kumausap sa mga estudyante upang magbigay ng lesson at sumagot sa mga katanungan ng mga ito
  • Iba-iba ang naging reaksyon ng mga guro, estudyante, at magulang sa nangyaring pilot testing

Pinasilip ng isang paaralan sa Cotabato City kung paano magtuturo ang kanilang mga guro ng modular distance learning sa panahon ngayon ng new normal sa edukasyon.

Imahe mula Facebook

Nagkaroon ng pilot testing ang Cotabato City National High School (CCNHS) main campus kung paano ipatutupad ng kanilang mga guro ang mangyayaring modular distance learning sa kanilang mga estudyante.

Ang paraan ng pagtuturo ng mga guro ay nagmukhang call center agents dahil sabay-sabay silang may kausap sa kanilang cellphone. Dito ay nagbibigay sila ng lesson at sumasagot sa mga katanungan ng mga estudyante upang maihanda sila sa darating na pasukan.

Imbes na tradisyonal na chalk at eraser ang hawak ng mga guro sa pagtuturo, ang kanilang cellphone at module materials ang kanilang kakailanganin upang magturo sa mga estudyante. Sa tawag ay nagbigay ng instruction at sumagot sa mga katanungan ang mga guro sa CCNHS.

Imahe mula Facebook

Sa pilot testing ng mga guro, paisa-isa nilang tinawagan ang mga estudyante na umabot ang guro kada isang estudyante ng 10 hanggang 20 minuto kada session o lesson.

“As teachers basically we need gadgets. Mga cellphone, laptop, printing machines lalo na sa modular distance learning kailangan naming mag-reproduce from time to time ng mga learning activity sheets, modules,” ani ng isang guro sa CCNHS.

Ang mga ginagamit sa modular distance learning ay modules, printed materials, learning activity sheets, cellphone, at kung maaari ay headset upang maayos na marinig ng mga guro ang kanilang estudyante na nasa kabilang linya.

Imahe mula Facebook

Ayon naman sa isang estudyante na nakapanayam, mahihirapan sila lalo na kung mayroong katanungan sa isang guro ay kailangan pa nilang magpa-load ng cellphone upang matawagan ang guro. Iba rin umano ang explanation kapag personal na kaharap ang guro kumpara kung tawag lamang

Saad naman ng isang magulang, mahirap umano kung illiterate ang magulang dahil hindi rin niya maiintindihan ang guro at hindi rin nito matutulungan ang anak kapag mayroon itong katanungan.

Ayon naman sa Department of Education (DepEd), hindi kailangang mangamba ng mga guro at magulang dahil maraming maaaring pagpilian ng modality of teaching and learning: ito ay ang printed o digital module, online, telebisyon, at radyo.

Magbibigay naman ng one-time load allowance na P3,500 ang DepEd para sa mga guro.

Panoorin ang buong ulat tungkol dito sa Facebook page: Stand For Truth.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: