Internet sensation Dante Gulapa, suliranin ngayon ang kawalan ng hanapbuhay

  • Isa sa mga apektado ng COVID-19 crisis ang internet sensation na si Dante Gulapa
  • Sa Facebook, matapat niyang ibinahagi sa kanyang followers ang pinagdaraanan niya ngayon dahil sa kawalan ng hanapbuhay
  • Humingi rin siya ng suhestiyon sa mga ito kung saan kaya siya maaaring mag-apply ng trabaho

Kabilang ang internet sensation na si Dante Gulapa sa mga apektado ngayon ng COVID-19 crisis. Sa pamamagitan ng social media, matapat niyang ibinahagi sa kanyang followers ang pinagdaraanan niya ngayon dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Image captured from Facebook

Sa isang Facebook post, humingi siya ng suhestiyon sa mga ito kung saan kaya siya maaaring mag-apply ng trabaho dahil apektapo na rin ng kakapusan sa pera ang relasyon niya sa kanyang asawa.

“Hi po, mga ka-idol. Kumusta po kayo. Magtatanong lang po ako, baka may alam kayo na puwde kong apply-an ng trabaho, mga idol? Ang hirap ng buhay ngayon, para may pangsuporta naman po ako sa mga anak ko. I-PM lang ninyo ako kung may alam po kayo,” wika niya.

“Kasi bumukod na po muna ako dahil lagi na kami nag-aaway ng asawa ko. Kaya ‘eto, kailangan ko na po maghanapbuhay, mga idol, para masuportahan ko ang tatlo kong anak,” pagpapatuloy niya.

Pagbabahagi ni Gulapa, naapektuhan ng kasalukuyang situwasyon ang kabuhayan niya kaya kailangang-kailangan niya ngayon ng pangsuporta sa kanyang pamilya.

“Iyong mga pautang ko na perang kinita ko, hindi ko po nasisingil tapos walang mga event, kaya ito nga po ako ngayon, mga idol. Wala po ako mga experience sa trabaho, mga idol, puro diskarte lang po alam ko, kaya ito,  humihingi po ako sa inyo ng advice kung ano po ang puwede ko gawin. Maraming salamat po,” aniya.

Image via Dante Santos Gulapa | Facebook

Marami ang nalungkot nang mabasa ang post na ito ng internet sensation na nakilala sa pagiging masayahin at masigla sa mga video at iba pang post na ibinabahagi niya sa social media.

As of writing, hindi pa ibinabahagi si Gulapa kung nakahanap na ba siya ng mapapasukan.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: