International Space Station, namataan sa Binangonan, Rizal nang mag-flyby ito sa bansa

Kuha ni David Joshua Magno via Facebook
  • Dumaan sa ating bansa ang International Space Station nitong Hulyo 15 at 16
  • Maraming netizens ang nakakuha ng larawan nito sa himpapawid
  • Isa sa mga tampok na larawan mula sa isa sa mga netizens ay ang kuha mula Binangonan, Rizal na makikita rin ang “Big Dipper”

Isa ka ba sa mga mahilig kumuha ng mga larawan ng kalangitan— mga bituin, sunrise at sunset?

Kuha ni David Joshua Magno via Facebook

Isa si David Joshua Magno sa mga netizens na kamangha-mangha ang talento at interes sa pagkuha ng mga larawan na nakatuon sa paksa ng mga makikita sa kalangitan.

Sa kanyang Facebook account ay mayroon itong album na “Kalangitan, atbp. Larawan dulot ng Pagtingala” at hindi maikakaila ang husay nito sa pagkuha ng mga larawan.

Isa sa mga trending photos na kanyang nakuhaan ay ang International Space Station o ISS flyby noong Hulyo 15.

Mula sa Binangonan, Rizal, nakuhaan niya ito sa kalangitan na nakatakda nang araw na iyon na dadaan sa ating bansa.

Kuha ni David Joshua Magno via Facebook

Ang ISS ang laboratoryo ng mga astronauts na naglalakbay sa himpapawid at umiikot sa ating planeta. Ito ay makikita sa kahit saan mang bansa base sa direksyong nilalakbay nito.

Ang nasabing larawan ay ipinost ng Earth Shaker –  isang organisasyon na naglalayon maghatid ng impluwensya sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa Earth Science.

Ang nakadagdag sa nakamamanghang kuha na ito ay nasaktuhan ang kilalang asterism na “Big Dipper”.

Kuha ni David Joshua Magno via Facebook

Maraming nagkomento sa nasabing post at kanila ring ibinahagi ang kani-kanilang mga kuhang larawan sa kaganapang ito.

“OMG!! Took the same photo at the same time. Location: Los Baños, Laguna. Time taken: 19:14”.

“Ang ganda parang guhit na puti!”

“Nakita ko lang pero hindi nakuhanan. Akala ko alien na eh.”

“Prepared for a perfect angle, 10 mins before flyby. Few moments later… captured International Space CLOUDS”