Ilang mga pulis at sundalo, tumulong sa mga magsasaka sa Mt. Province sa kanilang pag-aani

  • Maraming mga kamag-anak ng mga taga-Cordillera ang hindi nakauwi sa kanilang lugar dahil sa nangyaring lockdown
  • Isa sa mga nahirapan ay ang mga magsasaka na umaasang katulong sana ang mga kamag-anak sa pag-aani ng palay lalo na sa panahon ngayon
  • Kaya naman ang kapulisan na at mga sundalo sa lugar ang tumulong sa mga magsasaka sa kanilang pag-aani

Kilala ang mga taga-Cordillera sa kanilang bayanihan at maski sa kanilang pagsasaka.

Imahe kuha mula sa video ng Stand For Truth Facebook page

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, nahirapan ang ilang magsasaka sa bukid. Hindi kasi nakauwi ang ilan sa kanilang mga kamag-anak mula sa iba’t ibang lugar upang tumulong sana sa pag-aani.

Hindi umano nakauwi sa Mt. Province ang ilang kabataan lalo na ang mga college at senior high school students na inaasahan ng mga magsasaka na tutulong sa pag-ani

Kaya upang matulungan ang mga magsasaka sa Mt. Province, ang mga kapulisan na at sundalo sa lugar ng Bauko, Mt. Province ang tumulong sa pag-aani upang mayroong katuwang ang mga magsasaka.

Imahe mula Facebook via Stand For Truth Facebook page

Nagsimula umano ang kanilang pagtulong sa pag-ani ng palay sa kasagsagan ng pandemya. Kasama ng mga pulis at sundalo ang komunidad sa Bauko sa pag-ani sa pamamagitan ng bayanihan system.

Ang mga pulis o sundalo na walang duty ang tumutulong muna sa pag-ani. Kada araw ay nasa apat hanggang limang pulis o sundalo ang tumutulong sa bukid.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga magsasaka sa tulong ng pulis at sundalo lalo na sa panahon ngayon. Kahit mainit ang mata ng mga netizens sa mga pulis sa gitna ng pandemya, hiniling ng kapulisan sa Cordillera na huwag sana umanong lahatin, dahil ginagampanan nila nang tama ang tungkulin sa kanilang komunidad.

Imahe mula Facebook via Stand For Truth Facebook page

“Marami pong gumagawa ng kabutihan [na mga pulis] na hindi nakikita o naipalalabas [sa telebisyon]. Magtiwala lang po sa kapulisan,” ani ng isang pulis sa Cordillera.

Kahit umano nasa gitna ng pandemya ay hinding-hindi mawawala ang bayanihan sa lugar ng Cordillera. Nawa’y ganito rin ang sitwasyon sa ibang lugar lalong-lalo na sa panahon ngayon na dapat tayo ay nagtutulungan—may suot mang uniporme o wala.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: