Ilang gulay sa Cebu, itinatapon na lang dahil sa oversupply

  • Maraming magsasaka ang nababahala sa isang lugar sa Southern Cebu dahil sa mahigpit na umiiral na border restrictions
  • Ang mga hindi naibibiyahe na gulay mula sa mga magsasaka patungo sa iba’t ibang pamilihan ay itinatapon na lamang
  • Marami tuloy magsasaka ang nababahala dahil nasasayang lamang ang kanilang mga pinaghirapan

Kilala ang Dalaguete sa Southern Cebu bilang “The Vegetable Basket of Cebu” dahil 80% ng mga gulay na ipinapadala sa iba’t ibang bahagi ng buong Cebu ay sa Dalaguete nagmumula.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Dahil sa nakababahalang pagtaas ng dami ng mga kaso ng COVID-19 sa Cebu, pumapangalawa sa Maynila, ay ipinatupad ang mas mahigpit na pagbiyahe at border restrictions sa mga lugar ng lungsod.

Isa sa mga labis na naapektuhan ng umiiral na border control ay ang pang-angkat ng gulay mula sa Dalaquete patungo sa iba’t ibang pamilihan ng Cebu.

Sa Carbon Market na nga lang, ang pinakamalaking pamilihan sa Cebu, ang dating 30 na truck ng mga gulay na araw-araw na nagdadala ng mga gulay ay naging anim na lamang.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Ayon sa report ng programang Stand For Truth ng GMA News, umaabot umano sa 40 hanggang 50 tons ng assorted vegetables kada araw ang hindi na nade-deliver at nasasayang na lamang.

Kung dati ay 15% ng mga naipadalang gulay sa pamilihan ang itinatapon — mga balat o sirang bahagi ng gulay — ngayon ay umabot na sa 50% o higit pa ang nasisira o nasasayang.

Ayon kay Heracleo Revalde, operations manager ng Dalaguete Agri-Pinoy Trading Center (DAPTC), ang mga itinatapon na gulay ay inilalagay sa processing plant at doon ay ipina-process bilang organic compost. Habang ang ilan naman ay ibinibigay sa mga kalapit na bayan upang gawing pataba sa lupa.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Dahil sa malaking porsyento ng mga nasisira at itinatapong gulay, maraming magsasaka ang nanghihinayang lalo pa at resulta ito ng kanilang pinagpaguran.

Ang ilang itinatapon din na gulay ay iyong mga hindi naibebenta at nasisira na lamang. Kaya hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Dalaguete ang mga local government units na sana ay tulungan sila na maibenta ang kanilang mga gulay.

Panoorin ang buong ulat dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: