Ilang araw matapos manganak, Iya Villania-Arellano ibinahagi ang naging agarang pagbabago ng katawan

  • Kamakailan ay isinilang ni Iya Villania ang pangatlo at unang babaeng anak nila ni Drew Arellano na si Alana Lauren
  • Marami ang namangha sa naging transformation sa katawan ni Iya ilang araw pa lamang ang nakalilipas simula nang manganak siya
  • Bukod sa healthy diet, ibinahagi ni Iya ang karanasan niya at kung paano mapangangalagaan ang katawan pagkatapos magsilang

Maraming Pinoy ang nag-abang sa kasarian ng magiging pangatlong anak ng TV hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano. Ang kanilang mga naunang anak na sina Primo at Leon ay parehong lalaki, kaya marami ang nagnanais na maging babae naman sa pagkakataong ito ang kanilang anak.

Imahe mula kay Drew Arellano via Instagram

At hindi nga nagkamali ang marami, ipinanganak kamakailan ni Iya ang pangatlo at unang babae nilang anak ni Drew na si Alana Lauren. Kuwento pa ni Iya, hindi umano niya inaasahan na magiging babae ang anak at sigurado siyang lalaki muli ito kaya mga panlalaking damit ang kanilang dala.

Pagkapanganak pa lamang ay dinagsa na online ang mga litrato ni Alana Lauren, at marami ang nabighani sa mukha ng sanggol. Ngunit agaw-pansin din ang litrato ni Iya na tila hindi umano nahirapan sa panganganak dahil sa kaniyang magandang itsura.

Marami ang namangha sa mabilis na transformation ni Iya ilang araw pa lamang ang nakalilipas pagkatapos manganak. Nanatili lang ng ilang araw sina Iya, Drew, at Alana sa ospital saka umuwi upang makasama ni Alana ang dalawa niyang kuya.

Imahe mula kay Iya Villania-Arellano via Instagram

At siyam na araw pa lamang ang nakalilipas simula nang manganak, balik-trabaho na kaagad si Iya sa pag-host ng “Chika Minute” sa programang 24 Oras.

Bukod rito, nagbahagi rin si Iya sa kaniyang Instagram account ng itsura ng kaniyang katawan pagkatapos mangsilang at sa kasalukuyan. Hindi maitatangging naging fit muli ang katawan ng TV host sa loob lamang ng maikling panahon!

Imahe mula kay Iya Villania-Arellano via Instagram

“Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time,” ani Iya na mahilig mag-exercise at yoga bago magsilang. Ngayon ay kumakain umano siya ng “good mix of nutritious and food that makes me happy.”

“My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush,” dagdag pa niya at sinabing hindi na siya makapaghintay pa na mag-workout muli. Ibabahagi rin umano niya ang mga pagdadaanan upang maka-recover ang katawan.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: