Netizen humihiling ng hustisya para sa sinapit ng alagang pusa dahil sa kagagawan ng kapitbahay

  • Hustisya ang panawagan ng isang netizen matapos umanong ipahamak ng kanilang kapitbahay ang inaalagang pusa ng kanyang pamangkin
  • Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Ruth Odiamar ang kalunos-lunos na sinapit ng pusa na si “Daoming”
  • Kitang-kita rin sa mga litratong inupload ni Ruth ang lungkot at dalamhati ng kanyang batang pamangkin

Hindi maipaliwanag ang lungkot at hinagpis ng isang bata sa San Jose, Camarines Sur nang mapahamak ang kanyang alagang pusa na si “Daoming”.

Imahe mula sa Facebook | Ruth Sepcon Odiamar

Sa mga larawan na in-upload ni Ruth Sepcon Odiamar, makikita ang labis na dalamhati ng kanyang pamangkin dahil sa biglaang pagkawala ng pinakamamahal nitong pusa. Ngunit ang mas masaklap pa rito ay kagagawan umano ng kanilang kapitbahay kaya ito nasawi

Pahayag ni Ruth sa kanyang post:

Dagdag pa niya, mahirap tanggapin ang biglaang pagkawala ni Daoming lalo na’t isa itong mabait na alaga. Hindi rin daw mapigilan ng kanyang pamangkin ang labis na dalamhati at pagtangis dahil sa pagkawala ng pinakamamahal niyang pusa.

“Kawawa naman ang pamangkin ko. Sobrang mahal na mahal n’ya si Daoming kaya di n’ya matanggap ang nangyari.”

Dagdag ni Ruth, “Mabait naman po si Daoming at wala naman siyang na-agrabyadong ibang tao kaya mahirap tanggapin na binawian siya ng buhay.”

Agad namang kumalat sa Facebook ang naturang post ni Ruth. Ilang netizens din ang nagalit at nalungkot matapos mabasa ang sinapit ni Daoming.

“Sobra naman ‘yan. Nakakasama ng loob. Walang laban na nilalang gaganyanin lang,” saad ni Maria Cecilia Uri.

Imahe mula sa Facebook | Ruth Sepcon Odiamar

Sa ngayon, inaasikaso na rin nina Ruth ang pagsampa ng kaso laban sa kanilang kapitbahay. Nakipag-ugnayan din siya sa animal welfare advocate na si Norman Marquez para isaayos ang isyung ito.

“Nakausap ko na po si Sir Norman Cordero Marquez at gagawan niya ng paraan na makasuhan ang suspect base sa mga ebidensya na available para mabigyan ng leksyon ang suspek. Bukas simulan na namin sa pagpapa-blotter sa barangay,” pahayag ni Ruth.

Kung mapatutunayang guilty, maaaring masampahan ang salarin ng kasong paglabag sa Section 6 ng Republic Act 8485, o Animal Welfare Act of 1998, as amended by R.A. 10631. May kaparusahan din itong aabot sa hanggang P100,000 na multa at hanggang dalawang taong pagkakakulong.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: