Health workers sa San Lazaro hospital nagdaos ng silent protest, humingi ng mas magandang pakikitungo

  • Nagdaos ng “silent protest” ang ilang medical workers ng San Lazaro Hospital sa pamamagitan ng pag-iwan ng kanilang mga sapatos sa labas ng ospital
  • Ang protestang ito ay upang hilingin sa ospital ang mas magandang pakikitungo sa kanilang mga frontliners
  • Ang ilan sa kanilang hinihiling ay pagpapagawa ng elevator, pagbabawas ng kanilang workload, bagong mga personal protective equipment, at iba pa

Kamakailan lang ay nagdaos ng ‘silent protest’ ang ilang health workers ng San Lazaro Hospital. Ang mga nag-protesta na ito ay mga nurses na humihiling ng mas magandang pakikitungo sa kanila.

Imahe mula sa Filipino Nurses United (FNU)

Makikita sa mga litratong inilabas ng Filipino Nurses United (FNU) na iniwan ng mga nurses ang kanilang mga sapatos sa labas mismo ng ospital.

Ang ilan sa mga hinihiling ng nurses ay ang pagpapagawa ng elevator sa ospital. Dahil marami na umanong health workers ang nasaktan sa paglilipat ng mga pasyente o malalaking equipment gamit lamang ang mga hagdan.

Sinabi rin ng ilang nurse ng San Lazaro na miyembro ng FNU na umiinda na sila sa dami ng workload at hindi magandang pakikitungo.

“Nursing staff and other health workers are treated as robots, not human beings. The patient does come first, but their [health workers’] safety should be top priority, for if we get infected no one will be left to care for the sick,” pahayag ng FNU.

Imahe mula sa Filipino Nurses United (FNU)

Isa ang San Lazaro sa referral hospital for infectious diseases kaya maraming kaso ng COVID-19 ang tinanggap dito. Sabi ng FNU na mahigit 40 health workers na ng ospital ang nagpositibo habang ang ilan naman ay nakararamdam na ng “too much physical, emotional, and mental exhaustion” dahil sa trabaho.

Kuwento pa ng mga sumali sa silent protest, sinabihan sila ng management ng ospital na ulitin na lamang ang pagsusuot ng personal protective equipment (PPE) kahit nagamit na ito sa 12-hour shifts. Habang may ilang doctor naman ang napilitan na bumili ng kanilang sariling PPE.

Sinabi rin nila na hindi nagbabayad ng tamang suweldo at hazard pay ang ospital kasama pa ang walang sapat na transportasyon at accommodation para sa kanila.

Itanggi naman ng San Lazaro Hospital ang mga paratang ng kanilang health workers at sinabing sapat ang kanilang nurse staff at sumusunod rin sila sa pagbibigay ng suweldo, hazard pay, at PPE sa mga empleyado.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: