Halos isang taon ‘di naglaba ng bag, netizen nakakita ng pera sa mga lumang bag

  • Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen ang laman ng mga lumang bag na kaniya sanang itatapon na
  • Sa loob kasi ng mga bag na halos isang taon nang hindi nalabhan ay nakakita ang may-ari ng mga piraso ng pera na umabot ng libo-libo
  • Ayon sa may-ari, hindi niya inaasahan na makakakita pa siya ng mga pera sa loob ng mga bag na muntik na niyang ibasura

Kung ikaw ay pumapasok sa eskuwela, sa trabaho, o laging may pinupuntahan, gaano ka kadalas magpalit ng iyong bag? At kada palit ba ay nilalabhan mo ang mga lumang ginamit na bag?

Imahe mula Freepik

Ano ang karaniwang laman ng iyong bag na maituturing nang basura pero hindi mo pa nagawang itapon? Marahil ang mga ito ay resibo, pakete ng kendi o kahit anong pagkain, scratch paper, at marami pang iba.

Ngunit kapag sinusuwerte, basta na lamang tayo nakakakita ng extra na pera sa mga sulok-sulok ng bulsa ng ating bag⁠—ito man ay mga barya o perang papel. Ngunit paano kung sa loob pala ng luma mong bag ay hindi lang mga barya kundi nasa daan-daan at libong pera ang iyong makikita?

Napakasuwerte ng residente mula sa Brgy. Hernando Anao, Tarlac na si Joseph Gadut dahil ang dapat na itatapon na niyang mga lumang bag ay mayroon pa palang mga perang papel na aabot sa halagang dalawang libo at may barya-barya pa.

Imahe mula kay Joseph Gadut via Facebook

Ito ay ibinahagi niya sa Facebook at nilagyan ng caption na: Muntik kong maibasura… Dahil 1 year na akong hindi nakapaglaba ng mga bag ko, meron palang perang nakatago.

Ayon kay Joseph, sa sampung bag na kaniyang hindi na nagagamit, lima doon ay itatapon na sana niya. Ngunit buti na lamang at naisipan niyang suriin ang loob ng mga ito.

Imahe mula kay Joseph Gadut via Facebook

Hindi makapaniwala ang uploader na mayroon pa pala siyang mga naitagong pera dito dahil nalimot na niya sa tagal ng panahon.

Malay mo, makakita ka rin ng pera sa loob ng mga lumang bag? Bakit hindi mo subukang tignan ngayon? Dali!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: