Grab inilunsad ang free COVID-19 testing para sa drivers at delivery-partners

  • Bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa COVID-19, inilunsad ng Grab ang pagkakaroon nila ng sariling COVID-19 testing center
  • Katulong ang COVID-19 taskforce at isang ahensya sa gobyerno, simula noong July 30 ay maaari nang dumaan sa COVID-19 testing nang libre ang Grab drivers at kanilang delivery partners
  • Ang kanilang COVID-19 testing ay matatagpuan sa QC memorial circle

Sa limang buwan na pakikipaglaban ng ating bansa sa COVID-19 ay marami na ang nagbago. Kalakip ng mga pagbabagong ito ay ang pagrami ng mga COVID-19 testing centers at kits na noong mga unang buwan ay kakaunti lamang.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Ngayon ay mayroon nang mga inaalok na affordable COVID-19 testing kits at available na rin sa nakararami ang rapid and swab testings na mabilis na natutukoy kung sino-sino ang mga positibo sa coronavirus.

Ngunit ang masasabing pinakamabuting nangyari sa ating bansa sa gitna ng krisis ay ang pagkakaroon ng mga libreng COVID-19 testing centers para sa mga mahihirap na Pinoy na walang pera upang sumailalim sa test.

Sumama sa bilang ng mga libreng COVID-19 testing centers ay ang delivery company na Grab na kamakailan ay inanunsyo ang pagpapatayo nila ng testing center.

Imahe mula Grab via Facebook page

Bilang bahagi ng kanilang kampanya na #GrabProject, nakipagtulungan umano ang Grab sa National Taskforce on COVID-19 at  Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa paglunsad ng kanilang COVID-19 testing center.

“Safety has always been at the core of everything we do at Grab. We believe that through our partnership with the National Taskforce on COVID, the BCDA, and our driver- and delivery-partners,” ani Brian Cu, Grab Philippines President.

At dahil mga itinuturing na frontliners ang delivery riders tulad ng Grab riders, mahalaga na matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa virus.

Imahe mula Grab via Facebook page

“We continue to ensure our communities’ safety as we navigate our paths to the new normal,” dagdag pa ni Cu.

Ang testing center ay matatagpuan sa Quezon City memorial circle at magsasagawa rito ng RT-PCR testing para sa mga Grab drivers at delivery-partners simula July 30.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: