‘Good old days!’ Notebooks na si Manilyn Reynes ang cover, pinasaya ang fans ng aktres

  • Nagbalik ng maraming alaala sa “Manilynians” ang litrato ng mga kuwadernong si Manilyn Reynes ang nasa cover
  • Anila, maituturing na bahagi ng kanilang “good old days” ang mga panahong madali lamang makahanap ng “Manilyn notebooks”
  • Si Reynes ang tinaguriang “Star Of The New Decade” ng Pilipinas

Natatandaan mo pa ba ang mga panahong usong-uso pa ang mga kuwaderno na ang nasa cover ay ang mga sikat na artista sa bansa?

Image captured from Proud Manilynians | Facebook group

Sa Facebook group na Proud Manilynians, binalikan ng fans ng aktres na si Manilyn Reynes ang mga panahon kung kailan madali lamang silang nakahahanap at nakabibili ng notebooks na ang kanilang idolo ang nasa cover. Wika nila, itunuturing nila itong bahagi ng kanilang “good old days”.

“Lahat ng notebook ko from elementary to high school, si Manilyn Reynes ang cover,” pagbabalik-tanaw ng isa sa mga miyembro na si Norhayat Kola Odin Datumanong.

“Hay, na-miss ko tuloy high school days!” kumento ni Gladys Ferrer. “Mayroon ako niyan lahat! Happy ako kapag nakabibili ako niyan.”

Wika naman ni Ma. Michelle Raytos Distrajo-Abucay, “If only may permanent house lang kami noong araw, naipon ko sana ang mga ganiyan ko. We’ve moved from place to place kaya nagkawalaan mga souvenir ko. Pictures na lang ang mayroon pa.”

Si Reynes, ang tinaguriang “Star Of The New Decade” ng Pilipinas, ay kilala sa kanyang husay sa pagkanta, pag-arte, paggiging commercial model, at iba pa.

Image captured from Memories of Old Manila | Facebook group

Una siyang lumabas bilang isang child actress sa 1983 film na “To Mama with Love”. Pagkalipas ng isang taon, nakamit niya ang kanyang unang Best Child Actress award para sa pelikulang “Minsan May Isang Ina”, kung saan niya ginampanan ang papel ng isang batang mayroong epilepsy. Noong 2007, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-25 taon sa showbiz industry sa pamamagitan ng isang concert sa Aliw Theatre.

Simula 2010 hanggang sa kasalukuyan ay ginagampanan niya ang papel ni Elsa sa “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento”. Si Elsa ang maybahay ng karakter ng bidang si Pepito, na ginagampanan naman ng popular comedian na si Michael V.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: