Flutist na nawalan ng trabaho, dinala ang musika sa pag-deliver ng mga pagkain

  • Isang musikero ang nawalan ng trabaho nang magkaroon ng pandemya at nakansela ang mga paparating sana nilang events
  • Bukod sa nawalan na ng trabaho, naubos na rin ang inipong pera ng musikero na gagamitin sana sa church wedding niya at ng kaniyang kasintahan
  • Ngayon ay isa nang delivery rider ang musikero na bukod sa paghahatid ng pagkain ay tumutugtog din sila ng musika sa mga customer

Tulad ng ilang Pinoy, lubos na naapektuhan ang naging pamumuhay ng isang musikero na bukod sa nawalan ng trabaho ay naubos pa ang naipon para sana sa gaganapin sanang church wedding.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Si Jethro Villamayor ay isang flutist na tumugtog sa iba’t ibang kasalan, birthday celebration, o maski gig sa hotel. Kumikita si Jethro ng nagkakahalagang P3,500 kada araw sa kaniyang mga tinutugtugan.

Maganda na sana ang takbo ng karera ni Jethro sa musika, ngunit binago ito ng pandemya. Nawalan siya ng gig dahil ipinagbabawal ngayon ang pagkakaroon ng mga event kung saan dati sila ay tumutugtog ng mga kasama niyang musikero.

Bukod sa nawalan na siya ng pagkakakitaan sa pagtugtog ay unti-unti ring naubos ang kaniyang ipon na gagamitin sana sa darating nilang church wedding ng kaniyang kasintahan.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Ngunit kahit naubos ang ipon, itinuloy pa rin ni Jethro ang kanilang kasal sa pamamagitan ng isang payak na civil wedding nitong Hulyo. At dahil mayroon nang sariling pamilya, sinisikap ni Jethro na magtrabaho bilang delivery rider sa isang bagong food delivery service.

Tinawag na goodbanda, ito ay bagong food delivery service na binubuo ng mga musikerong nawalan ng kabuhayan sa gitna ng pandemya. Hindi tulad ng ibang food delivery service, may pakulo ang goodbanda.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Pagkatapos kasing i-deliver ang mga inorder na pagkain ng customer ay haharanahin sila ng mga delivery rider, kabilang na rito si Jethro. Dahil dito, marami umano ang natuwa at nagugulat dahil sa mga hatid na espesyal na musika ng mga rider.

Sa tulong na rin ng maliliit na negosyo na naki-partner sa goodbanda, unti-unting dumarami ang mga customers nina Jethro at dumarami rin ang nakaririnig ng kanilang mga nakamamanghang musika.

Nawa’y ipagpatuloy n’yo lamang ang pagkanta sa himig ng buhay!


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: