Enviromental group hiniling sa publiko na gumamit ng reusable fabric masks dahil sa dumaraming basura na surgical masks

  • Nababahala ang grupong Ecowaste Coalition dahil sa dumaraming disposed surgical masks na nakukuha bilang basura sa dagat
  • Kaya hiniling nila sa publiko ang paggamit ng reusable fabric face masks upang hindi na dumami pa ang bilang ng mga basurang disposable masks
  • Ani ng grupo, sa pagdaan ng panahon ay maaaring ang mga disposed masks na ito ay makontamina ang ating food supply chain

Ang four basic necessities sa buhay ng isang tao ay ang food, water, shelter, at clothing — bawat isa sa mga ito ay kailangan sa kaniyang araw-araw na pamumuhay.

Imahe mula Ecowaste Coalition via Facebook

Ngunit bukod sa mga ito, dumagdag na sa panahon ngayon ay ang pagsusuot ng face mask. Ang face mask ang itinuturing na isa sa mga panlaban upang makaiwas sa kalaban ngayon ng buong mundo — ang COVID-19.

Subalit, ‘di tulad ng mga damit, hindi maaaring ulit-ulitin ang pagsusuot ng surgical face mask. Ito ay isang klase ng face mask na itinuturing na pinakamabisa upang hindi mahawaan ang isang tao ng coronavirus.

At dahil milyon-milyong tao sa Pilipinas ang gumagamit ng disposable surgical face mask, ang mga ito ay nagiging basura pagkatapos gamitin. Kaya naman nababahala ngayon ang isang environmental group dahil sa nakaaalarmang basura na natagpuan nila sa isang beach sa Manila.

Imahe mula Ecowaste Coalition via Facebook

Kamakailan ay inilabas ng EcoWaste Coalition ang mga litrato ng nakuha nilang disposable surgical masks sa kahabaan ng Baseco Beach sa Manila. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa marine life sa karagatan.

Kaya naman hiniling ng grupo sa publiko na gumamit na lamang ng reusable fabric masks imbes na disposable masks upang maiwasan ang mga ganitong klaseng basura sa dagat.

“This is very concerning as these throw-away masks, which are supposed to protect us and others from the dreaded virus, pose a real threat to aquatic life,” ani ng National Coordinator na si Aileen Lucero.

Imahe mula Ecowaste Coalition via Facebook

Bukod sa face masks ay nakakita rin sila ng mga basyo ng rubbing alcohol at hand sanitizers. Nagbabala sila tungkol sa maaaring maidulot nito sa ating mga tao.

“Over time, discarded masks in the oceans will break down into extremely small particles and may contribute to the microplastic contamination of the food supply chain,” pahayag ni Lucero.

Hindi man ganun kabisa ang paggamit ng fabric kumpara sa surgical mask, nakatutulong pa rin ito na makaiwas tayo sa virus at makatutulong din ito upang hindi mawalan ng supply ng surgical masks ang medical workers.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: