Elementary days! Old school na pantasa ng lapis, minsan mo rin bang nagamit?

  • Isa ang old school na pantasa ng lapis sa mga bagay na madalas gamitin noon ng mga estudyante
  • Sa paaralan man o sa bahay, nagdadala ito ng aliw sa mga batang mag-aaral dahil mas malaki ito at iba sa pantasa nila sa pencil case
  • Sa post ng isang Facebook page, nagbalik-tanaw ang marami sa mga panahon ng old school na pantasa ng lapis

Kabilang ang old school na pantasa ng lapis sa mga bagay na madalas gamitin noon ng mga estudyante.

Image captured from Facebook

Sa paaralan man o sa bahay, hindi maikakailang nagdala ng tuwa ang classic school supply na ito sa mga batang mag-aaral dahil bukod sa talagang mas malaki ito kumpara sa mga pantasang kasya sa kanilang pencil case, nakaaliw din ito para sa kanila dahil sa kakaibang paraan ng paggamit nito.

Sa post ng Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa mga gunitang nabuo sa panahon ng old school na pantasang ito. Mayroon din mga nagsabi na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng bagay na ito dahil mga mayayaman lamang ang nakabibili nito, habang ang iba ay nanghihiram lamang sa kakilala o sa paaralan lamang nakagagamit nito.

“Sa amin nakikitasa ng lapis ang mga kapitbahay namin kasi ang suwabe ng pagkatasa kapag iyan ang gamit, puwera na lang kung ang lapis mo e hindi magandang klase dahil mapuputol agad,” wika ng netizen na si Prinsesa Sta. Rosa.

“Iyong may ganito kami sa bahay noong bata kami tapos natutuwa ako magtasa kaya pati lapis ng classmate ko ay inuuwi ko, nangangakong tatasahan ko at isasauli kinabukasan,” pagbabahagi ni Shasha Sy.

“Pangarap ko iyan noong bata ako,” kuwento ni Gian Ruceth Deoquino. “Mahal iyan noon kaya simpleng sharpener lang ang mayroon ako.”

Image captured from Facebook

Samantala, ibinahagi rin ng iba na ang litrato ng sarili nilang pantasa na hanggang ngayon ay nasa kanila pa ring pag-iingat at patuloy na nagagamit.

Ikaw, naranasan mo rin bang gumamit ng old school na pantasa? Ano ang hindi mo makalilimutan sa popular at classic school supply na ito?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: