Elderly couple mula Taiwan, ginamit na OOTD ang mga uncollected clothes sa kanilang laundry shop

Imahe mula sa Want Show as young via Instagram
  • Nag-viral sa social media ang 84-year old couple mula sa Taiwan dahil sa kanilang trendy na mga OOTD pictures
  • Ang mga ito ay makikita sa kanilang Instagram account na @wantshowasyoung
  • Ayon sa kanilang Instagram bio, ang kanilang mga ginagamit pang-OOTD ay ang mga hindi nabalikang damit ng mga nagpa-laundry sa kanilang shop

“Youth has no age.”

Imahe mula sa Want Show as young via Instagram

Ito ay pinatunayan ng elderly couple mula sa Taiwan na sina Wan Ji, 83 na taong gulang at Xiu’e, 84 na taong gulang nang ipakita nila sa mundo na hindi hadlang ang edad upang ipakita na kaya rin nila ang ginagawa ng maraming kabataan ngayon.

Masasaksihan ito sa kanilang sikat na Instagram account na @wantshowasyoung kung saan naka-post ang kanilang mga trendy at fashionistang mga kasuotan.

Ayon sa kanilang Instagram bio, ang mag-asawa ang may-ari ng Wanxiu Laundry, isang laundry shop sa Taiwan na kung saan ang kanilang ginagamit na pang-OOTD ay ang mga damit na hindi na nabalikan ng mga may-ari at hindi pa nabayaran.

Imahe mula sa Want Show as young via Instagram

Ang Instagram account na ito ay ginawa ng kanilang apo at ito ang nagpo-post ng kanilang mga larawan.

Bukod sa mga fashion-related captions kung saan ipinapaliwanag nito kung ano ang kasuotan ng kanyang lolo at lola, nagbabahagi rin ito ng mga kwento patungkol sa kalagayan ng mga ito at kung gaano sila kasaya na marami silang followers sa Instagram.

Kasama rin sa caption ng mga larawan ang paalalang, “Please remember to take the laundry.”

Imahe mula sa Want Show as young via Instagram

“Love the little warmth of your family! Everyone should be happy.”

“We love the wholesome yet stylish grandparents.”

“New friends in Hong Kong wave their hands! Thank you so much for bringing us unlimited positive energy.”